Halamang Gamot sa mga Sakit 

Halamang Gamot sa Hadhad

Ano ba Ang Mabisang Halamang Gamot sa Hadhad?

Naghahanap ka ba ng mabisa at epektibong halamang gamot sa hadhad? Ang artikulong ito ay makakatulong saiyo upang masolusyunan ang iyong problema sa nakakahiya at nakakairitang hadhad.

Ano ang hadhad?

Ayon sa mga eksperto, ang sakit na ito ay galing sa fungus, isang sakit sa balat na karaniwang tinatamaan ang mga kabataang lalaki lalong lalo na sa kanilang singit. Dahil ito sa aktibidad ng mga lalaki katulad ng sports o kaya naman ay labis na pagpapawis ng mga singit.

Ngunit hindi nangangahulugan na ligtas na rito ang mga kababaihan, sa katanuyan, may mga kilala akong babaeng mayroong hadhad.

Ano ang sanhi ng hadhad?

Tulad ng nasabi na, ang hadhad ay sanhi ng fungi, na mas aktibo sa mainit o maalinsangang panahon. Nagpaparami ang mga mikrobyong ito sa mga underwear na matagal nang nakababad sa mga labahin o kaya ay mga damit na natuyuan ng pawis.

Jock itch ang tawag sa salitang ingles para sa hadhad, galing sa ideyang ang sakit na ito ay nakukuha ng mga kalalakihang mahihilig sa isports.

Nakadaragdag pa sa posibilidad na ikaw ay magkaroon ng hadhad ay ang pagsusuot ng marumi at hindi linabhan na brief o underwear.

Maaari ka ring mahawa ng hadhad sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa taong meron nito at paghiram ng pribadong mga gamit tulad ng tuwalya at underwear na kontamido ng fungi.

Maaari ka ring magkaroon ng hadhad kapag may alipunga ka. Ang fungi na sanhi ng alipunga ay kapareho din ng sa hadhad, kaya kung hindi mo gagamutin ang alipunga mo, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng hadhad.

Ano ang sintomas ng hadhad?

Para matukoy kung anong uri ng sakit sa balat ang nakahawa sa iyo, kailangan mo munang tiyakin ang mga sintomas na nararamdaman mo. Narito ang ilan sa mga sintomas na magsasabing hadhad nga ang dumapo saiyo:

  • Ang isang taong mayroong hadhad ay karaniwang nakakaranas ng matinding pangangati ng singit
  • Kasabay ng pangangati, nakakaranas rin ang pasyente ng mahapding pakiramdam sa apektadong balat
  • Ang apektadong balat ay karaniwang mapula o kaya naman ay nangingitim depende sa lala nito
  • Kasabay ng pangangati at hapdi, ang balat ng taong may hadhad ay karaniwang natutuklap
  • At dahil rin sa pagtuklap, nagkakaroon ang apektadong balat ng pantal o butlig-butlig
  • Kapag ang hadhad ay tuluyang lumalala, ang mga sintomas na ito ay maaring kumalat hanggang sa mga hita

Mga halamang gamot sa hadhad na madaling hanapin

Karamihan sa mga nabibiling gamot pamahid sa mga skin diseases na nabibili sa botika ay mahal. Bukod diyan, marami sa mga nakagamit na nito ay hindi kontento sa epekto ng mga naturang gamot. Kaya maraming ang gustong bumalik sa natural na pamamaraan ng paggamot, lalo na sa mga sakit na hindi naman kailngan ng agarang medikal na atensyon, tulad na lamang ng hadhad.

Narito ang ilan sa mga halamang gamot sa hadhad na maaari mong subukan. Ilista mo ang lahat ng mga halamang ito:

Garlic/Bawang

Ang bawang ay hindi ginagamit sa pagluluto. Tinatawag rin itong natural antibiotic, maganda kapag natural dahil walang side effects. Ang katas ng bawang ay isang pangunahing panlaban sa fungi na umaatake sa balat.

Ginger/Luya

Isa pang sangkap na gamit sa pagluto ng mga pinoy. Ngunti ang luya pala ay may taglay na antibacterial at antifungal na siyang makakatulong sa pasyenteng mayroong hadhad at maaari ring sa ibang uri ng impeksyon sa balat.

Mangosteen

The queen of fruits sabi nga sa wikang Ingles. Alam mo bang napakaraming sakit ang nagagamot ng prutas na ito. Sa katunayan nga, kahit ang hadhad at iba pang uri ng sakit sa balat ay kayang-kaya ring pagalingin ng mangosteen. Paano kaya? Maglaga lamang ng dahon at balat ng kahoy ng mangosteen at pagkatapos ay ipahid ito sa apektadong balat.

Ampalaya

Mapait ngunit masustansya. Ilan lamang yan sa pangunahing karakter ng gulay na ito. Pero alam mo bang taglay rin ang ampalaya ang mga sustansyang kayang pumuksa ng maliliit na fungi? Opo!

Oregano

Ang mahiwagang halamang ito ay hindi lang mahusay na gamot sa sakit sa tiyan. Mayroon ring itong taglay na antifungal effect na talaga namang nakapaka-husay magpagaling sa iba’t ibang uri ng sakit sa balat, kabilang na jan ang hadhad.

Coconut oil/langis ng niyog

Kakaiba naman itong langis ng niyog, mayroon kasi itong taglay na fatty acids na pinatunayan ng mga eksperto na mahusay na panlaban sa sakit sa balat. Magandang halamang gamot sa hadhad ito sapagkat pinapatay nito ang fungi hanggang sa pinakamaliit na anyo nito.

Dahon ng bayabas

Ang dahon ng bayabas ay may taglay na antimicrobial agent na mahusay sa pagpapagaling ng ibat ibang uri ng impeksyon sa balat at kabilang na riyan ang hadhad. Paraan ng pagamit? Maglaga lamang ng murang dahon ng bayabas at lagyan ito ng kaunting asin. Pagkatapos ay gawin itong pang hugas sa apektadong parte ng balat.

Suka at tsaa

Linawin natin: ang suka at tsaa ay hindi naman mga uri ng halamang gamot, pero minarapat naming isali ang mga ito sa listahan.

Ang suka at tsaa rin ay mahuhusay na gamot sa hadhad. Ang dalawang ito ay may taglay na antimicrobial agent na magaling na panlaban sa ibat ibang uri ng fungi na maaaring sumira sa iyong balat.

Pwede rin ang paggamit ng mga antifungal cream na mabibili sa mga botika. Tandaan lamang na sa pagbili nito ay mahalaga pa rin ang pag konsulta sa isang o doktor. Alam mo bang mainam rin sa hadhad ang paggamit ng sabon at paghugas gamit ang maligamgam na tubig? Opo! sa katunayan, mayroong mga kaso ng hadhad na natatanggal rin kahit hindi gamutin sa loob lamang ng ilang araw. Ngunit hindi ito rekomendado sapagkat katulad ng nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito, kapag ang hadhad ay pinabayaan, maaari itong kumalat hanggang sa iyong mga hita.

Tandaan lamang at isagawa ng maayos ang lahat ng nabanggit, at tinitiyak ko saiyo na sa isang linggo lamang ay mawawala na ang pangangati sa singit mo. Magpaalam kana sa iyong hadhad!

Ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang hadhad?

Sa totoo lang, aanhin mo pa ang mga gamot o halamang gamot sa hadhad kung maaari mo naman itong maiwasan. May mga kaso ng hadhad na kapag nakapag-umpisa na ay mahirap nang gamutin. Kaya kung ayaw mong makipagsaparalan, kailangan mong sundin ang mga tips na ito kung paano makakaiwas sa pagkakaroon ng hadhad.

  • Upang makaiwas sa hadhad panatilihin ang pagiging malinis sa katawan
  • Ugaliin ang regular na pagpaligo at pagsuot na malilinis na damit
  • Makakatulong rin na makaiwas sa hadhad ang hindi paghiram ng ibang personal na gamit sa ibang tao, katulad na lamang ng damit at underwear.
  • Iwasan rin ang pagsuot ng mga masisikip at magaspang na underwear.
  • Magsuot ng presko at maaliwalas na damit upang makaiwas sa hadhad.
  • Kapag galing sa isang aktibidad na nagdulot saiyo ng pagpawis, palitan kaagad ang underwear at huwag itong hayaang matuyo sa katawan.
  • Labhan ang mga damit nang regular, lalo na kung ito ay gamit sa trabaho o isport.
  • Iwasan rin ang pagkamot sa mga singit upang maiwasan ang iba pang impeksyon.
  • Regular na maghugas ng kamay
  • Kung ikaw ay may hadhad o iba pang uri ng skin disease, pagsumikapang magamot agad ang mga ito, para hindi mahawa ang mga singit.

Bagaman ang hadhad ay isa sa pangkaraniwang sakit sa balat ng mga Pinoy na kadalasang napapabayaan dahil sa pagiging busy o sa kahirapan sa buhay, ipinapayo ng mga dalubhasa na huwag itong pabayaan. Kung may hadhad ka, pwede mo itong maipasa saiyong mga mahal sa buhay. Kaya kung nahawa ka nito, kumilos ka agad para malusanasana ang sakit. Hindi naman mahal ang mga home remedies na tinalakay natin sa artikulong ito. Mahalaga lamang ang consistency at kalinisan para makaiwas at malunasan sa hadhad.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

KATULAD NA MGA ARTIKULO