Mga Halamang Gamot 

Epektibong Halamang Gamot Para sa Bukol sa Dibdib

Mayroon bang bukol na tumubo sa dibdib mo at nangangamba ka na baka ito ay kanser? Talaga namang nakakabahala ang ganitong kaso. Kung ganun, ang artikulong ito ang sasagot sa mga katanungan mo tungkol sa bukol sa dibdib!

Ano ba ang sanhi ng bukol sa dibdib?

Talaga namang nakakatakot kung tubuan ka ng bukol sa dibdib mo. Isa itong indikasyon na mayroong abnormalidad na nagaganap sa iyong katawan. Idagdag mo pa ang ibat ibang uri ng sakit na nagsisilabasan ngayong panahon, katulad na lamang ng kanser at iba pa.

Isang sanhi ng pagkakaroon ng bukol sa dibdib ay dahil sa lifestyle o uri ng pamumuhay ng tao. Malaki ring salik ang maling diet sa abnormal na pagtubo ng bukol sa dibdib. Ang madalas na pag-bangga o pagkabugbog ng dibdib ay isa ring sanhi nito. Maaari ka ring magkabukol sa dibdib kung ito ay nasa genes mo, ibig sabihin ay namana mo ang pagkakaroon mo nito sa mga magulang o mga ninuno mo.

Tandaan: ang malabis na katabaan at pagpapabaya sa sarili ay maaari ring maging salik ng pagkakaroon ng bukol sa dibdib.

Ano ang mga sintomas ng bukol sa dibdib na kailangan mong bantayan?

Mayroon ka bang nakapang bukol sa dibdib mo sa ngayon? Madalas isipin ng mga  Pinoy na kapag may bukol sa dibdib ay kanser na agad. Pero huwag na munang magisip ng masama, tingnan muna natin ang mga sintomas ng bukol sa dibdib na dapat bantayan. Tandaan na ito ang mga palatandaan ng breast cancer.

  • Nagsisimula ito sa pagtubo ng isang maliit na kumpol sa mismong dibdib
  • Sa una, ang maliit na kumpol na ito ay hindi mo mapapansin sapagkat hindi pa sumasakit
  • Sa pagtagal ay magsisimula ng magiba ang laki at hugis ng dibdib
  • Umiiba rin ang kulay ng balat ng dibdib kapag ang bukol ay sanhi ng kanser
  • Pagkakaroon ng hindi pang-karaniwang butas sa mismong dibdib
  • Papalubog na utong o nipple kasabay ng pamamanas at pangangaliskis ng balat
  • Isa pang sintomas ng kanser o bukol sa dibdib ay ang paglabas ng dugo na galing sa nipple

Ayon sa mga doktor, traydor ang sakit na ito sapagkat hindi kaagad ito nagpapakita ng sintomas. Kaya naman ipinapayo nila na kung sakaling makaramdam ng alinman sa sintomas na nabanggit sa itaas ay ipagbigay alam kaagad ang mga ito sa doktor mo.

Ang dalawang uri ng ligtas na bukol sa dibdib

Hindi lahat ng bukol na tumutubo sa katawan ng tao ay delikado o nakamamatay. Sa katunayan nga, ayon sa isang sikat na doktor, hindi lahat na nakakapang bukol sa dibdib ay kanser, lalong-lalo na kapag hindi pa sumasapit sa ika-40 edad ang isang babae.

Bakit kaya? Ayon sa pag-aaral, mas malaki ang tsansa ng mga babaeng nasa edad 40 pataas na magkaroon ng bukol sa dibdib na kanser. Nabanggit na natin ang mga sintomas ng bukol sa dibdib kapag kanser. Narito naman ang mga sintomas ng bukol sa dibdib na ligtas sa anumang panganib ng kanser.

Ayon sa mga dalubahasa, mayroong dalawang uri ng bukol sa dibdib na hindi dapat ikabahala.

Una, kung ang bukol na nakapa ay isang cyst. Ano ba ang cyst? Isa itong bukol na tubig lamang ang laman at karaniwang malambot at gumagalaw.

Isa pang uri ng safe na bukol sa dibdib ay ang tinatawag na bukol na laman. Hindi rin ito kanserus ayon sa mga doktor at naaalis rin ito ng ligtas sa pamamagitan ng operasyon. May mga bukol rin na kusang nawawala at lumili[at pa nga sa ibang bahagi ng katawan. Moveable cyst ang tawag ng mga doktor dito.

Anu-ano ang iba’t ibang halamang gamot para sa bukol sa dibdib?

Tandaan: Bago natin talakayin ang mga halamang gamot sa bukol sa dibdib, tandaan na mas makabubuti ang pagpapatingin sa doktor bago gumawa ng anuman sa mga ito. Maaaring makatulong ang mga halamang gamot na pag-uusapan natin pero kumunsulta ka sa doktor mo para masuri kung kanser nga ba ang bukol mo.

Ang kanser ay ginagamot sa pamamagitan ng espesyal at maselang paraan, hindi sa bahay kundi sa pangangalaga ng isang doktor.

Narito ang mga halamang gamot para sa bukol sa dibdib:

Turmeric

Ang halamang gamot na ito ay kapamilya ng luya. Ito ay napatunayan ng mga pag-aaral na mahusay na panlaban sa mga free radicals sa loob ng ating katawan. Ang turmeric ay mabisang halamang gamot para sa bukol sa dibdib.

Bawang o garlic

Hindi lang mabango at masarap sa luto. Ang halamang gamot na ito ay mayroong aktibong compound na tinatawag na allicin. Napatunayan rin na ang pagkain ng bawang o ang mga taong mahilig sa bawang ay mas kaunti ang tsansa na magkaroon ng kanser.

Ginger o luya

Ang halamang gamot na ito ay hindi lang mahusay na gamot sa arthritis o rayuma. Alam mo bang napatunayan rin ito na epektibong halamang gamot para sa bukol sa dibdib?

Oregan

Isa pang mahusay na halamang gamot na panlaban sa lahat na uri ng kanser. Hindi lang epektibong pantanggal sakit ng tiyan.

Carrots

Ayon sa malawak na pag-aaral ng mga eksperto, ang carrots ay napatunayang isang mahusay na halamang gamot para sa kanser. Hindi ito nakapagtataka dahil sa taglay nitong napakaraming sustansya.

Green Tea

Ayon sa mga mananaliksik, ang halamang gamot na ito ay naglalabas ng antitumor at anti-mutagenic activity na siyang lumalaban sa growth ng mga abnormal cancer cells sa ating katawan.

Citrus Fruits

Ang citrus fruits tulad ng kalamansi at dalanghita, ay punong-puno ng vitamin C na isa pang agent na panlaban sa mga cancer cells

Medicinal Mushrooms

Ang mushroom na ito ay hindi isang ordinaryong kabote, ginagamit ang halamang gamot na ito bilang pang sugpo sa kanser saan man sa mundo.

Ang lahat ng halamang gamot na nabanggit ay subok na at napatunayan. Nakalap ang lahat ng ito ayon sa mga testemonya ng mga pasyenteng napagaling at pinatunayan rin ito ng mga mahuhusay na doktor.

Gayunpaman, ang mga halamang gamot para sa bukol sa dibdib na nabanggit ay hindi nangangahulugan na kasiguruhan na gumaling. Sa huli mas mahusay pa rin ang magpatingin sa isang eksperto upang maisagawa ang nararapat na operasyon para sa bukol mo, maging kanser man ito o hindi.

Paano maiiwasan ang bukol sa dibdib?

Prevention is better than cure! Isang sikat na kasabihan sa buong mundo. Bakit pa nga ba aabot sa matinding gamutan kung puwede mo naman itong maiwasan. O kaya ay mabawasan man lang ang tsansa na tamaan ka nito. Isa nga namang nakakabahalang sakit ang kanser, kaya naman upang makatulong saiyo kaibigan kong mambabasa. Narito ang ilan sa mga importanteng tips na dapat mong isagawa upang maiwasan o mapakunti ang tsansa na magkaroon ka ng kanser. Tandaan lamang ang mga sumusnunod na ito:

  • Ugaliin ang pagsusuri sa sariling dibdib upang kung may bukol man ay agad itong maagapan
  • Baguhin ang lifestyle, itigil ang paninigarilyo at kung maaari ay ganun rin sa pag-inom ng alak
  • Kumain ng maraming gulay at prutas at iwasan ang pagkain ng maraming karne
  • Iwasan ang pagkain ng mga matataba, masesebo at mamantikang pagkain
  • Sanayin ang sarili para sa isang regular exercise kasabay ng proper diet
  • Panatilihin ang malusog na pangangatawan at iwasan ang labis na pagtaba
  • Kung nasa edad 40 pataas, mas rekomendado ang regular na pagpatingin sa isang doktor upang isagawa ang tinatawag na breast cancer screening
  • Iwasan rin ang pagkain ng mga processed foods katulad ng hotdogs at mga pagkaing de lata
  • Ingatan ang dibdib, huwag itong hayaang mabugbog o kaya ay mabangga ng paulit ulit sa anumang uri ng paraan
  • Tandaan ang tatlong letrang ito TLC = touch + look + check up

Ang lahat ng nabanggit ay mga paunang pagiingat lamang. Ngunit malaki ang maitutulong nito saiyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng bukol sa dibdib na maaaring mauwi sa kanser. Sa huli, ang pagiingat pa rin sa sarili ang pinaka mahalaga sa lahat. Kapag huli na ang lahat dahil sa kapabayaan sa sarili, maging ang mga halamang gamot na ito o kahit pa ang mga mahuhusay na doktor at medisina ay wala na ring magagawa.

Like us on Facebook! 🙂

KATULAD NA MGA ARTIKULO

KATULAD NA MGA ARTIKULO