Mga Dapat Malaman Tungkol sa Halamang Gamot sa Uric Acid

Isa sa mga pinaka-karaniwang sakit ngayon ang uric acid o gout. Marami sa mga Pilipino ang may ganitong sakit. Ito marahil ay nanggagaling sa kanilang mga kinakain. Kadalasan,maririnig sa mga usapang uric acid ang mga maling kinakain at iniinom bilang pangunahing dahilan ng pagkakaroon nga ganitong sakit. Ngunit paano nga ba ito malulunasan. Mayroon bang halamang gamot sa uric acid na puwedeng subukan?

Ang uric acid ay maituturing na basurang kemikal na matatagpuan sa katwan ng isang tao. Ito ay naiipon sa tuwing tinutunaw nan g digestive system ang isang kemikal na tinatawag na purine. Ang purine ay matatagpuan sa mga pagkaing gaya ng mushroom o atay. Karaiwang nililinis ang uric ng mga batong matatagpuan sa dugo. Inilalabas ng mga ito sa katawan ang uric acid sa pamamatitan ng ihi.

Paano nagiging sakit ang uric acid o gout?

Ang sobrang taas at dami ng uric acid ay puwedeng maion sa katawan ng isang tao. At, kapag naipon ito sa loob lamang ng napakaikling panayon, ang kundisyon ay nagiging sakit na tinatawag na ‘hyperuricemia.’ Dagdag pa rito, ang sobrang taas ng konsentrasyon ng uric acid sa dugo ng tao ay puwedeng maging uric crysta. Pag nagtagal, ang uric crystal na ito ay puwedeng maipon sa mga malalambot na tissue at hugpungan ng mga buto. Ang mga naipon na ito ay may malakarayom na kirstal ang itsua. Ito na ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit na gout.

Tinatawag ding gouty arthritis ang gout. Ito ay isang sobrang sakit na klase ng arthritis na nagiging dahilan kung bakit mataas ang konsentrasyon sa katawan ng uric acid. Ang sobrang sakit na pag-atake ng mga gout symptoms ay puwedeng magmula sa paa, partikular na sa hinlalaki. Puwede ring mamaga ang mga sakong, braso, siko at tuhod. Ang ganitong mga klase ng sakit ay puwedeng magtagal ilang araw sa mga unang yugto pa lamang ng sakit.

Puwedeng magtagal ang sakit sa uric acid habang lumalala ang kundisyon. Kaya naman dapat na itong maagapan at gamutin sa simula pa lamang na maramdaman ang sintomas. Ang Halamang gamot sa uric acid ay makatutulong na panimulang lunas dahil ito ay garantisadong ligtas kung susubukan. Ang ganitong klase ng medikasyon ay walang halong kemikal kaya hindi na kailangan pang mag-alala sa allergic reaction.

Mahalagang gamutin ang uric acid kaagad. Ayon sa mga eksperto at base sa mga aral, kung ito ay hindi kaagad malulunasan, ito ay puwedeng permanente nang makasira sa mga kasukasuan at bato sa katawan. Ang uric acid ay mas ordinaryong nararanasan ng mga kalalakihan partikular nan g mga lalakeng edad 40-50 taon. Para sa mga kalalakihan, ito ay isa nang ordinary o pangkaraniwang sakit. Base sa mga pag-aaral, mayroon nang mahigit anim na milyong adults na sa buong mundo ang naitalang na-diagnose na may gout at mataas na uric acid. Kaya naman mas lalo pang dumami ang nanaliksik tunkol sa mga epektibong lunas, kasama na dito ang halamang gamot sa uric acid.

Bakit nagkakaroon ng uric acid?

Tulad ng nabanggit na, ang uric acid ang dahilan kung bakit ka nagkaroon ng gout ang isang tao. Ang sakit na ito ay itinuturing ngang basura sa katawan na kinakailangang ilabas sa pamamagitan ng ihi. Pero kung ito ay iiihi maayos, o kaya nama’y mabilis na makakaipon ang katawan ng uric acid, malaki ang tsansa ng pagkakasakit.

Bago pa man mangyari ito, mainam na magkaroon ng kaalaman ukol sa paggamit ng mga halamang gamot sa uric acid. Ngunit bago ito, importanteng alam muna kung ano ang mga sanhi ng pagkakaroon ng gout o mataas na uric acid. Narito ang ilan sa mga ito:

  • Maaaring isa o ilang miyembro ng pamilya ay mayroon nang gout o mataas na uric acid
  • Sobra na sa timbang o masyado nang mabigat at mabilis ang pagtaba
  • Mayroon nang existing na problema sa kalusugan o di kaya’y sakit na sa bato
  • Mahilig at marami kung uminom ng alak
  • Madalas uminom ng mga gamot na nakakapagpalabas ng ihi

Ayon naman sa mga eksperto, kabilang sa mga pangunahing sintomas ng gout at uric acid ay ang:

  • Sobrang pagsakit ng kasukasuan na puwedeng tumagal ng 12-24 oras
  • Ang sobrang pananakit ng kasukasuan ay tumagal na ng maraming araw o linggo
  • Pamamaga at pamumula ng kasukasuan

Mga mabisang panlunas sa uric acid

Ang isang taong may uric acid ay imposibleng gumaling hangga’t hindi nalalapatan ng gamot na nakakapagpa-normal o pababa ng uric acid. Isa na sa mga pinaka-epektibo ang halamang gamot sa uric acid. Importanteng alam ng isang tao na ang normal o typical na dami ng uric acid sa kaniyang katawan ay hindi dapat lalagpas sa 6 milligrams per deciliter. Ang katotohanan, wala pang lunas na nadidiskubre para sa sakit na uric acid.

Oo nga’t hindi ganap na nagagamot ang naabing karamdaman pero ang pag-inom ng angkop na gamot ay nakatutulong na mapababa ang mataas na uric acid. Ito ay nakakatulong para makontrol ang paglala ng sakit. Ang pagkonsulta sa doktor ang pinakamabuting gawin upang maagapan ang pagdami ng uric acid sa katawan. Bukod pa rito, ang pag-e-ehersisyo ay isa pang paraan upang maiwasan ang pag-atake o pagsumpong ng sintomas ng gout o uric acid.

Pansit-pansitan para sa mabisang halamang gamot sa uric acid

Kung maghahanap ka ng mga artikulong nagsasabi tungkol sa mga halamang gamot sa uric acid, halos wala kang makikitang partikular na pananim. Subalit ang pinaka-karaniwan at madalas lumitaw sa mga search entines ay ang halamang pansit-pansitan. Ayon sa mga pananaliksik, ito ang pinakamainam na halamang gamot sa uric acid. Ito rin ay mabisang lunas para sa sakit sa bato.

Ito ay herbal na halamang karaniwang tumutubo sa mamasa-masa at malilim na paligid katulad ng gilid ng bahay, ilalim ng puno, kanal, dingding at paso ng halaman. Ang pansit-pansitan ay pakalat-kalat lamang na parang damong-ligaw kaya napakadali nitong hanapin.

Siguraduhing tama ang pinipitas na halamang gamot sa uric acid. Para malamang ang itsura, ang pansit-pansitan ay berdeng dahon na puso ang hugis. Ito ay may mga maliliit na buto na parang nakakapt sa sangang hugis pansit. Ang nasabing sanga ay makikita sa tuktok ng halaman. Bagama’t animoy’ damong ligaw lamang, ang halamang ito ay isa sa mga aprubadong halaman ng Department of Health (DOH). Ito rin ang malimit na gamit para sa gamot sa rayuma o arthritis.

Maaaring iisa lamang ang nairekomendang hamamang gamot sa uric acid. Subalit ito naman ang pinakamabisa sa lahat. Napakadali ring hanapin at hindi na kailangan pang bilhin. Higit sa lahat, kailangan munang kumonsulta sa doktor upang makasiguro sa kundisyon ng kalusugan.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Halamang Gamot sa Uric Acid
4 (80%) 1 vote


Like us on Facebook!

KATULAD NA MGA ARTIKULO