nandito ka
Pansit-pansitan: Mabisang Halamang Gamot sa Pamamaga Mga Halamang Gamot 

Pansit-pansitan: Mabisang Halamang Gamot sa Pamamaga

Ang artikulong ito ay tatalkay sa mga gamit, pakinabang sa kalusugan, kasama na rin ang mga babala at side effects sa paggamit ng pansit-pansitan bilang halamang gamot.

Ano ang pansit-pansitan?

Ang pansit-pansitan o kilala sa scientific name na Peperomia pellucida Linn ay isang mailiit, ngunit matabang halaman na ginagamit bilang pagkain at halamang gamot. Ang halamang ito ay maaaring kainin ng hilaw o luto. Ang pansit-pansitan, ayon sa matatanda ay gamot sa gout at arthritis. Sinasabing nagagamot din nito ang iba pang uri ng pamamaga sa katawan. May mga nagsasabi rin na ang halamang gamot na ito ay lunas sa iba’t ibang uri ng sakit dahil sa taglay nitong mga sangkap tulad ng analgesic o panlaban sa sakit, anti-arthritic panlaban sa sakit dulot ng arthritis at diuretic o pampa-ihi.

Ang pansit-pansitan ay nabubuhay ng sagana sa parang, kahit hindi ito inaalagaan. Bagaman ito ay isang ligaw na halaman, may mga taong sadyang nagtatanim nito bilang ornamental plant. Ito kasi ay may makintab, hugis pusong mga dahong talaga namang paborito ng mga sentimental.

Ano ang mga pakinabang sa kalusugan ng pansit-pansitan?

Ang pansit-pansitan ay napakatagal nang ginagamit ng mga Pilipino bilang isang katutubong gamot, matagal pa bago dumating ang mga kastila. Narito ang ilan sa mga kilalang pakinabang sa kalusugan ng halamang gamot na ito.

Ito ay sinasabing gamot sa mga sumusunod na karamdaman:

  • Pamamaga ng mga mata
  • Pamamaga ng lalamunan
  • Pagtatae
  • Problema sa prostate
  • Highblood
  • Arthritis
  • Gout
  • Pigsa sa balata
  • Mga sugat
  • Mga paso
  • Pamamaga ng balat
  • Mga bukol
  • Tagyawat
  • Pananakit ng ulo
  • Problema sa bato

Makaagham na mga pag-aaral ukol sa halamang gamot na pansit-pansitan

Pansit-pansitan bilang gamot sa pamamaga. Ayon sa tradisyong Pilipino, ang pansit-pansitan ay gamot sa lagnat, ubo, sipon, sakit ng ulo at arthritis. Sa pag-aaral sa mga daga, ang mga dahon at tangkay ng pansit-pansitan ay nagpapakita na ito ay epektibong gamot sa pamamaga at sakit. Sa isa pang pag-aaral na isinagawa sa mga koneho, ang katas ng halamang gamot na ito ay napatunayang epektibo sa paglaban sa lagnat, na pwedeng ikumpara sa bisa ng aspirin.

Pansit-pansitan at ang kanser. Isang pag-aaral ang isinagawa para ihiwalay ang mga sangkap ng pansit-pansitan na may kakayahang pabagalin ang paglaki o paglaganap ng mga cancer cells. Ang pag-aaral na ito ay nagbukas sa maraming mga posibilidad na ang pansit-pansitan ay magamit bilang gamot sa kanser sa hinaharap.

Antioxidant na taglay ng pansit-pansitan. Sa isang pag-aaral sa katas ng pansit-pansitan, nakita ng mga dalubhasa na ang halamang gamot na ito ay napakatapang sa pagpuksa ng mga free radicals, kaya naniniwala ang mga dalubhasa na ito ay mabisang natural na antioxidant.

Pansit-pansitan bilang pamatay mikrobyo. Ang mga dalubhasa ay nakapaghiwalay ng isang sangkap na kung tawagin ay patuloside A na kilala bilang isang mabalasik na pamatay bacteria.

Pansit-pansitan at arthritis. Sa isang pagsusuri, napatunayan ng mga dalubhasa na ang katas ng pansit-pansitan, kung ihahalo sa ibuprofen treatments, ay talagang nakapagpapahupa ng pananakit at mga sintomas na kasama ng arthritis, lalo na kung ito ay ipanggagamot sa arthritis sa tuhod o rayuma.

Epekto sa uric acid sa dugo. Sa isang pagsusuri gamit ang mga daga, ang katas ng paansit-pansitan ay itinurok sa mga hayop ay ang uric acid ng mga ito ay inobserbahan. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita na ang mga dagang bingyan ng pansit-pansitan ay nagkaroon ng 44% pagbaba ng uric acid sa dugo samantalang ang mga dagang binigyan ng sintetikong gamot para sa uric acid ay nagpapakita ng 66% na pagbaba. Ito ay nangangahulugan ito na ang pansit-pansitan ay pwedeng gawing panghalili sa sintetikong mga gamot laban sa pagtaas ng uric acid sa dugo, tulad na lamang ng allopurinol.

Pansit-pansitan bilang depressant. Sa bansang Bangladesh, may isang pag-aaral na kung saan ang mga daga ay binigyan ng gamot na nikethamide para artipisyal na pasiglahin ang mga ito. Pagkatapos, ang mga daga ay bingyan ng katas ng pansit-pansitan para malaman kung mapapakalma sila nito. Ang resulta ng eksperimentong ito ay nagpapakita na ang katas ng halamang gamot na ito ay may tinatawag na dose dependent depressant activity, na may kakayahang gamutin matinding mental excitement ng pasyente.

Saan makakakuha ng pansit-pansitan?

Ang halamang gamot na ito ay saganang tumutubo sa mga lugar na mamasa-masa at hindi gaanong nasisikatan ng araw. Ang buong halaman ay maaaring kunin ng buo, kainin ng hilaw bilang salad o sahog sa salad, o kaya naman ay iluto kasama ng gulay at karne.

Ang tsaang gawa sa pansit-pansitan ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagkuha ng mga dahon at tangkay nito ay pagpapakulo sa tubig. Pwede naman itong gawing panghugas sa balat na may sugat o pamamaga.

Paghahanda ng tsaang pansit-pansitan:

  • Hugasan ang bagong pitas na mga dahon at tangkay ng halamang gamot
  • Tadtarin at haluan ng apat na tasa ng tubig sa bawat isang tasa ng halamang gamot
  • Pakuluan sa loob ng 10 hanggang 15 minuto na hindi tinatakpan
  • Hayaang lumamig ng bahagya at salain
  • Uminom ng kalahating tasa tatlong beses kada araw

Babala at mga side effect ng pansit-pansitan

Kung side effects ang pag-uusapan, wala pa namang balita na ang pansit-pansitan ay nagkaroon ng masamang epekto sa mga tao. Sa isang pag-aaral ukol sa pagkakaroon ng overdose nito sa mga daga, napatunayan na ang halamang gamot na ito ay hindi gaanong nakaka-overdose.

Paano naman sa mga nagdadalang tao o nagpapasuso? Wala pang sapat na pag-aaral na makapagsasabi ng side effects ng pansit-pansitan kung ito ay inumin ng buntis o kaya ng nagpapasusong ina. Pero ayon sa mga dalubhasa, mas mabuti nang maging ligtas sa pamamagitan ng hindi pag-inom ng halamang gamot na ito kapag ikaw ay buntis o kaya ay nagpapasuso. Iyan ay aplikado hindi lamang sa pansit-pansitan kundi pati na rin sa lahat ng halamang gamot o sintetikong gamot na hindi iminungkahi ng iyong doktor. Kung ang halamang gamot o anumang uri ng gamot ay mapansin mong may kakaibang epekto saiyo, mas makabubuting ihinto mo muna ang paggamit at magtanong sa doktor mo. Malamang na ikaw ay may allergy sa isang partikular na gamot o sangkap na nasa gamot.

Kung allergy ang pag-uusapan, may ilang mga pasyente na nag-ulat na ang paggamit ng pansit-pansitan ay may allergic reaction sa kanila.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pansit-pansitan: Mabisang Halamang Gamot sa Pamamaga
Rate this post