nandito ka
Murang Halamang Gamot sa UTI Halamang Gamot sa mga Sakit 

Murang Halamang Gamot sa UTI

Kung naranasan mo nang magka UTI o urinary tract infection, salitang ingles para sa impeksyon sa daanan ng ihi, alam mong ito ay napakasakit. Mauupo ka sa kubeta dahil naiihi ka na subalit wala namang lumalabas, kung meron man, ang kaunting pag-ihi ay maaaring napaka-hapdi, na para bang sinusunog ang laman na daraanan ng ihi! Titiisin moa ng buong maghapon ng sakit at paghilab ng iyong pantog.

Kung naghahanap ka ng lunas, halamang gamot sa UTI, ang artikulong ito ay sadyang isinulat naming para saiyo. Magbasa ng higit pa para malaman ang solusyon sa problema mo.

Uminom ng marami!

Malamang na para saiyo, ang pag-inom ng tubig ay hindi kakaibang lunas para sa impeksyon sa daaanan ng ihi, baka sabihin mo na ito ay hindi naman halamang gamot. Tama ka naman diyan, ngunit ang pag-inom ng maraming tubig ay isa sa pinaka-imporatanteng magagawa mo kung pinahihirapan ka ng UTI. Tutulungan ka nitong ilabas ang bakteria kasama ng iyong ihi. Karamihan sa mga halamang gamot sa UTI ay iniinom sapagkat talagang kailangan mo nang maraming tubig para malinisan ang iyong sistema ng pag-ihi laban sa mga mapaminsalang bakteriya.

Iminom ng walong baso ng tubig, doblehin ito sa panahon na ikaw ay may UTI. Pwede kang uminom ng ordinaryong tubig, o tubig na may yelo.

Kumain ng pipino kapag may UTI

May mga tao na gustong-gusto ang pipino, pero kadalasan sa mga Pilipino, hindi gaanong gustong kumain nito. Pero alam mo ba na ang matubig na prutas ng pipino ay lunas sa UTI? Kaya imbes na kumain ng kung anu-ano, mas magandang kumain ng pipino kung ikaw ay may UTI, lalo na kung ikaw ay nahihirapang uminom ng maraming tubig.

Uminom ng salabat kung may impeksyon sa daanan ng ihi

Mapapansin natin na kung sakit at pamamaga ang pinag-uusapan, palaging kasama sa listahan ng mga halamang gamot ang luya. Bakit kaya? Ito’y dahil sa ang mga sangkap ng luya ay may kakayahang harangan ang katawan sa pagpapalabas ng prostaglandin. Ang prostaglandin ay ang kemikal na responsible sa pagkakaramdam ng iba’t ibang uri ng sakit at pamamaga. Sila kasi ang nagdadala ng pain signals sa neurons. Kaya kung iinom ka ng salabat o ginger tea, maiibsan nito ang sakit at pamamaga na dala ng UTI. At hindi tulad ng komersyal na mga pain killer, ang salabat ay walang side effects!

Sambong para sa UTI

Ang sambong ay isa pa sa mga halamang gamot para sa UTI, at nakakatuwa, marami nito dito sa atin sa Pilipinas, halos lahat ng bakuran sa probinsiya ay meron nito. Iniinom ito ng mga lolo at lola natin. Mas gusto nila ang kape sa umaga kasi daw ito ay nagpapalakas at nagpapasigla.

Alam mo ba na ang sambong ay diuretic, pampa-ihi? Opo, pag uminom ka ng sambong, pasisiglahin nito ang iyong sistema ng pag-ihi na inaalis ang mga dumi kasama na ang mga bakteria sa katawan.

Ang sabaw ng niyog ay gamot sa UTI

Ang sabaw ng niyog ay kilala bilang diuretic o pampa-ihi. Kung ikaw ay may UTI, uminom ka ng maraming sabaw ng niyog dahil ito ay tiyak na makatutulong na linisin ang daanan ng iyong ihi na kasalukuyang inaatake ng bakterya na sanhi ng UTI.

Umuhi nang mas madalas

Tandaan na ang pag-ihi at hindi pagpigil na magbanyo ay kailangan para malinisan ang daanan ng iyong ihi. Tandaan na ang pagpigil ng ihi sa loob ng matagal na panahon ay maaaring maging dahilan ng mas malalang sakit.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Murang Halamang Gamot sa UTI
4.5 (89.33%) 15 votes