4 Mabisang Halamang Gamot sa Pamamaga ng Kamay

Masakit at namamaga baa ng iyong kamay? Naglista kami ng mabisang mga halamang gamot sa pamamaga ng kamay na maaari mong subukan kahit nasa bahay ka lang.

Pero bago tayo magsimula, pag-usapan muna natin ang mga sanhi ng pananakit at pamamaga ng iyong kamay.

Mga sanhi ng pamamaga ng kamay

Ang pananakit at pamamaga ng kamay ay maaring sanhi ng iba ibang mga kalagayan. Ang abnormalidad o pinsala sa balat, mga ugat, buto, kasukasuan, at malalambot na mga tissue na nakapalibot sa apektadong bahagi ay maaaring magdulot ng pamamaga.

Ang pananakit ng kamay, depende sa lokasyon ng pananakit at sanhi nito ay maaaring sabayan ng papamanhid, pamumula, pamamaga, o pagtigas ng mga kasukasuan.

Ang mga pinsala sa anumang bahagi ng kamay o balikat, tulad ng bali o pulikat ay isa sa mga kadalasang sanhi ng pamamaga ng kamay.

May mga pagkakataon din na ang kundisyong ito ay dala ng mga sakit sa ibang bahagi ng katawan, tulad ng sakit sa puso at stroke.

Ang pamamaga ng kamay ay maaaring sabayan pa ng nakakairitang kirot o nang mas malalang mga kundisyon tulad ng pananakit ng dibdib at atake sa puso.

Ang pananakit ng kamay na dala ng atake sa puso ay kadalasang may kasamang pagkahilo, pananakit ng dibdib, kahirapan sa paghinga at iba pang sintomas.

Kung ang kundisyon nabanggit ang nararamdaman mo ngayon, mapanganib ito. Hindi ito kaya ng mga halamang gamot kaya kailangan mo na agad na pumunta sa emergency room para malapatan ka ng kaukulang lunas.

Ang sumusunod naman ay ang mabisang mga halamang gamot sa pamamaga ng kamay, kung ang sanhi nito ay rayuma o arthritis lamang.

Luya

Ang luya ay ilang daang taon nang ginagamit dito sa Asya bilang gamot at pampasarap ng pagkain. Ito ay nagtataglay ng kakayahan na lumaban sa pamamaga tulad ng pagkontrol sa mga kemikal na dahilan ng pananakit tilad leukotrienes at prostaglandins.

Subukang maghalo ng mas maraming luya sa mga ulam na kinasanayan mo na. Pwede ka ring kumain ng hilaw na luya, o ihalo ito sa fruit shake at smoothies. Sumasangayon ang ilang dalubhasa na ang pagkain ng luya ay dapat na kasama sa mga halamang gamot na gagamitin mo, kun namamaga at masakit ang kamay mo.

Turmeric

Ang turmeric ay isa pang sangkap na matagal nang ginagamit bilang pampalasa at pampakulay sa pagkain. Ilang siglo na rin itong ginagamit bilang gamot sa arthritis, kaya kung rayuma o arthritis ang sanhi ng pamamaga ng kamay mo, gumamit ka ng turmeric!

Ang curcumin na nasa turmeric ay may anti-inflammatory at analgesic properties na lumalaban sa pananakit at pamamaga ng mga kalamnan at kasukasuan.

Maaari kang magdagdag ng turmeric sa mga ulam na may sabay o kaya naman ay sa chicken curry. Ang paghalo ng paminta sa turmeric ay sinasabing nagpapabilis sa katawan na i-absorb ang madilaw na sangkap nito, na siyang sangkap na nakakagamot sa pamamaga.

Tandaan lamang, ang turmeric ay pampanipis ng dugo. Kaya kung umiinom ka ng maintenance na gamot sa highblood o ano pa mang maintenance na gamot sa dugo, sumangguni ka muna sa doktor mo bago ka gumamit ng turmeric bilang halamang gamot sa pamamaga ng kamay.

Green tea

Ang green tea, na matagal na ring ginagamit dito sa ating kontenente, ay nagtataglay ng polyphenols, mga sangkap na mayaman sa anti-oxidants na nakakapagpabawas ng pamamaga, pomoprotekta sa mga kasukasuan at tumutulong sa immune system na mabawasan ang pananakit na dala ng arthritis.

Uminom ng green tea araw araw para maibsan ang pananakit ng iyong katawan, lalo na ang pamamaga ng iyong mga kamay.

Paminta

Ang paminta ay kilala sa bawat hapag kainan dahil mabili nitong nadaragdagan ng flavor ang bawat pagkain. Ngunit alam mo ba na ang paminta ay nagtataglay ng piperine na may dalang napakaraming benepisyo sa kalusugan? Sinasabi ng mga pag-aaral na ang paminta ay may antioxidant at anti-inflamatory properties na nakatutulong na mabawasan ang pamamaga ng iyong kamay.

Alam mo na kung paano kamitin ang paminta hindi ba? Dagdagan mo na lamang ang paggamit nito para malubos mo ang mga pakinabang ng paminta.