nandito ka
Mabisang Halamang Gamot Sa Pigsa Halamang Gamot sa mga Sakit 

Mabisang Halamang Gamot Sa Pigsa

loading...

Ang pigsa ay isang maliit, matigas at masakit na mapula-pulang bukol sa balat na unti unting nagiging malambok, malaki at napakasakit na bukol na puno ng nana. Ang pagkakaroon ng impeksyon na sanhi ng bakteriya ay siyang pangunahing dahilan ng pagtubo ng pigsa sa mukha, leeg, kilikili, balikat at puwet. Ang pigsang tumubo sa talukap ng iyong mata ay tinatawag na kuliti. Ang kawalan ng tamang nutrisyon at tamang kalinisan sa katawan pati na ang pagkahantad sa mapanganib na mga kemikal ay ilan lamang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng pigsa. Kung ikaw ay may sakit sa immune system o kaya naman ay diabetes, ikaw ay madalas na magkaroon ng pigsa. Kadalasan, walang dapat ikabahala sa pagkakaroon ng pigsa, maliban lamang sa ito ay napakasakit at maaaring maging sagabal sa pang araw araw na mga gawain. Ito ay mawawala sa loob ng dalawang linggo. Kung hindi ka naman linalagnat, hindi mo na akailangang dumalaw pa sa doktor.

Halamang gamot sa pigsa

Ang mga sumusunod na halamang gamot ay epektibo laban sa pigsa.

Dahon ng Neem tree para sa pigsa

Ang neem tree ay kilala sa ibat ibang pangalan. Ang neem tree ay mas kilala sa tawag na Margosa at Indian Lilac. Ang kahoy na ito ay matagal nang ginagamit dahil sa kahangahangang kakayahan nitong magpagaling ng iba’t ibang mga karamdaman. Baga man ang iba’t ibang bahagi ng neem tree ay nagagamit sa panggagamot, ang dahon ng kahoy na ito ay nagtataglay ng mga sangkap na gamot laban sa pamamaga, diabetes, ulcer, malaria, fungi, bakteriya, virus, free radicals, cancer at mga impeksyon. Ang neem tree ay kilala rin na mabisang panggamot sa pigsa, at ito ay sa pinakaepektibong mga halamang gamot sa pigsa.

Paano ba ihahanda:

  • Kailangan mo ng isang dakot ng dahon ng neem tree at tubig
  • Hinaluan ng kaunting tubig, gilingin ang dahon ng neem tree para maging malapot na paste.
  • Ilagay ang paste sa balat na may pigsa.
  • Pwede mo namang ilaga ang isang dakot ng dahon ng neem sa isa o dalawang baso ng tubig.
  • Pakuluan ito hanggang sa mahati ang orihinal na dami ng tubig.
  • Palamigin ito hanggang sa maging maligamgam.
  • Ihugas ito sa balat na may pigsa.
  • Gawin ng tatlo hanggang apat na ulit araw araw hanggang sa mawala ang pigsa.

Sibuyas para sa pigsa

Ang sibuyas ay may 25 aktibong sangkap na nakapaloob dito. Kasama sa mga sangkap na ito ay ang potassium at flavonoid na gamot laban sa pamamaga. Ang essential oil na nasa sibuyas may sangkap na lumalaban sa impeksyon, sa pamumuo ng dugo, sa fungi. Ito rin ay nakapagpapabawas ng sakit. Kaya, ang sibuwas, lalo na ang pulang sibuyas ay nakatutulong para maalis ang mga toxins sa katawan at lunasan ang pamamaga ng balat habang pinapatay nito ang mga mikrobyong sanhi ng impeksyon. Ang sibuyas ay mabisang halamang gamot sa pigsa. Ito ay makatutulong na mapaganda ang sirkulasyon ng dugo sa balat na may pigsa na nakakatulong sa mabilis na pag alis ng nana.

Paano ba gagamitin ang sibuyas sa pigsa?

  • Maghiwa ng maliliit na piraso ng sibuyas at ilagay ito sa ibabaw ng balat na may pigsa.
  • Makakatulong ang paggamit ng bandage o kapirasong tela para hindi mahulog ang sibuyas.
  • Palitan ito tuwing ika 3-4 oras para mabilis na magpakita ang mata ng pigsa.

O pwede namang…

  • Magpakulo ng limang piraso ng sibuyas sa dalawang baso ng tubig hanggang sa mahati ang orihinal na dami nito.
  • Salain ang tubig
  • Hayaang maging maligamgam
  • Gamitin ito bilang panghugas sa balat na may pigsa.

Bawang para sa pigsa

Ang bawang ay kabilang sa pamilyang Allium, katulad din ng sibuyas. Ito ay mayaman sa mga compound tulad ng allicin, alliin at ajoene. Ang bawang ay magaling na panlaban sa pamamaga, bakteriya at virus. Kaya, ito ay isa sa mga epektibong halamang gamot sa pigsa.

Paano ba gagamitin ang bawang sa pigsa?

  • Kumuha ng dalawa o tatlong puso ng bawang
  • Gamit ang kaunting tubig, dikdikin ito upang maging paste
  • Ilagay ito sa ibabaw ng balat na may pigsa

O pwede ring…

  • Ihawin ang isang puso ng bawang at ilagay ito sa ibabaw ng balat na may pigsa
  • Gumamit ng bandage o kapirasong tela para hindi mahulog ang bawang.
  • Siguraduhing hindi naman sobra ang init ng bawang na ilalagay
  • Hayaan ito sa loob ng 15 hanggang 20 minuto
  • Ulitin ng tatlo o apat na beses araw araw

O kaya ay…

Isama sa pang araw araw na pagkain mo ang bawang. Mag dikdik ng bawang at ihalo ito sa salad, sabaw o sawsawan.

Patatas para sa pigsa

Ang patatas ay mayaman sa bitamina C at B-complex pati na sa iron, calcium, magnesium, manganese at phosphorus kaya naman ang gulay na ito ay kadalasang ginagamit bilang natural na gamot sa iba’t ibang uri ng mga karamdaman lalo na sa mga sakit sa balat. May tannin at flavonoid din na makukuha sa patatas na kapakipakinabang sa kalusugan ng balat. Ang patatas ay may kakayahang pumatay ng mga mikrobyo kaya ito auy magandang gamot sa pigsa. Nakapagpapabawas din ng pamamaga ang patatas kaya magagamit mo ito bilang pang alis ng sakit na dala ng pigsa.

Mga paraan ng paggamit ng patatas sa pigsa

Humiwa ng maninipis na hiwa ng patatas at ipatong ito sa ibabaw ng balat na may pigsa. Palitan ng bago ang mga patatas kung medyo tuyo na ito.

Maggayat ng hilaw na patatas at pigain ang katas nito. Gamit ang bulak, ipahid ang katas sa balat na may pigsa. Ulitin ang pagpahid ng tatlo hanggang apat na ulit araw araw.

Maghiwa ng maninipis na piraso ng patatas. Ipatong ito sa ibabaw ng pigsa bago ka matulog sa gabi. Gumamit ng bandage o tela para hindi mahulog ang patatas. Ilagay ito sa buong mag damage. Itapon ang patatas kinabukasan.

Luyang dilaw para sa pigsa

Ang luyang dilaw o turmeric ay isa sa mabisang halamang gamot sa pigsa. Ang luyang dilaw ay gamit pa ng sinaunang mga intsik at Indian para gamutin ang iba’t ibang uri ng mga karamdaman tulad ng sakit sa balat. Ang langis na matatagpuan sa luyang dilaw ay may kakayahang magpabawas ng pamamaga. Pwede mong kainin ang luyang dilaw o pwede mo naman itong ilagay sa ibabaw ng pigsa. Sinasabing nakatutulong ito sa pagpapagaling ng pigsa sa loob lamang ng tatlong araw kapag ito ay ininom mo. Ang paglalagay nito sa balat ay tutulong para maiwasan ang pagpabalik balik ng pigsa.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Mabisang Halamang Gamot Sa Pigsa
5 (100%) 2 votes

loading...