Halamang Gamot sa mga Sakit 

Mga Pasa sa Katawan at Likas na mga Gamot

Spread the love
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mga Dahilan ng Pasa sa Katawan

Kapag tayo ay mabangga sa isang matigas na bagay, ito ay magkaroon ng pasa. Ang mga pasa, o bruises sa Ingles at tinatawag din na hematoma sa terminong medikal. Mangyayari ito kung medyo matindi ang pagkabangga at ang ugat sa ilalaim ng ating balat ay pumutok. Ang dugo na lumabas sa ugat ay sumiksik sa katabing mga tisyu at magdulot ito ng pamumula ng iyong balat sa simula at mangingitim pagkalipas ng ilang minuto. Minsan nga kapag kumuha ng dugo sa iyong braso para susuriin, ito ay mag-iwan ng pasa dahil sa nabutas na ugat, tumagas ang dugong nasa loob ng ugat patungo sa mga tisyu sa dakong braso.

Senyales ng iba pang mga Sakit

Kung sakaling nagkakaroon ka ng mga pasa sa katawan na wala namang kadahilanan at hindi ka naman nabunggo o natamaan ng anumang matigas na bagay, maaaring ang iyong mga pasa sa katawan ay senyales ng iba pang sakit. Maaari itong senyales ng pagdurugo sa loob ng iyong katawan o internal bleeding. Ang iba pang posibleng dahilan ay ang autoimmune disease o pag-atake ng sariling immune system sa mga ugat na dinadaluyan ng dugo at maaari din na ito ay dahil sa sakit na endocartitis.

Ang iba-ibang sakit sa autoimmune katulad ng diabetes ay maaaring dahilan ng pasa sa katawan. Mangyayari ito kapag ang katawan ay gumagawa ng mga antibody na umaatake sa kanyang sariling mga tisyu sa halip na labanan ang mga impeksiyon. Kaya kung ikaw ay may sakit na diabetes, baka iyong mapansin na nagkaroon ka ng mga pasa sa katawan at ang mga pasang ito ay matagal na mawawala. Natural lang ang mga pasa sa katawan kung mayroon kang diabetes.

Ang pasyente na mayroong kanser, habang ginagamot o sumasailalim sa chemotherapy, ay maaaring magkaroon ng mga pasa sa katawan, dahil ang chemotherapy ay makakaapekto sa mga platelet ng dugo na siyang dahilan ng mga pasa at mga pagdurugo. Ang iba pang uri ng kanser na nagdudulot ng mga pasa sa katawan ay ang leukemia. Bukod sa mga pasa sa katawan, ang iba pang mga senyales ng leukemia ay ang pagbaba ng timbang, palaging napapagod, pabalik-balik na mga impeksiyon, at mga pagdurugo. Minsan, ang sakit sa kidney ang dahilan ng iyong mga pasa sa katawan.

Mga Gamot na nagdudulot ng mga Pasa sa Katawan

Ang mga matatanda ay mas madaling magkaroon ng mga pasa sa katawan dahil nagiging marupok na ang ugat nila. Maaari din na ang mga gamot na iniinom nila ang dahilan ng pagkakaroon ng mga pasa. Ang mga gamot na nakapagpapanipis ng dugo tulad ng ibuprofen at naproxen ay minsan magdudulot din ng mga pasa sa katawan at ang mga taong umiinom ng aspirin ay madali ring magkaroon ng mga pasa sa katawan.

Ang mga suplemento gaya ng luya at turmeric ay may mga sangkap para palabnawin ang dugo na maaaring magdulot sa iyo ng mga pasa. Kaya hindi dapat araw-arawin ang pag-inom ng mga ito lalo na kung hindi mo pa naitanong sa iyong doctor ang tungkol sa paggamit nito.

Kakulangan ng Bitamina sa Katawan

Mayroon mga pasa na hindi mo maipaliwanag ang dahilan. Ang paggiging madaling magkapasa kahit sa isang maliit na pinsala lang ay maaaring dahil sa kakulangan ng bitamina sa katawan. Halimbawa, kapag ikaw ay kulang ng bitamina C ay maaaring magdulot ito ng sakit na eskorbuto o scurvy, isang sakit ng kakulangan ng bitamina C. Babawasan ng sakit na scurvy ang pulang selula ng dugo na posibleng dahilan ng pagkaroon ng hindi maipaliwanag na mga pasa sa katawan at mga pagdurugo. Ang bitamina C o ascorbic acid ay makakatulong upang mapalakas ang mga daluyan ng dugo at mapigilan ang pagkasira ng mga ito.

Ang bitamina K ay kailangan din upang makatulong sa pamumuo ng dugo at pigilan ang pagkakaroon ng mga pasa sa katawan.

Mga dapat gawin kung magkakaroon ng mga Pasa

Kung natamaan ang iyong mata sa anumang dahilan at malakas ang pagkatama nito, magkakaroon ito ng pasa na tinatawag na ‘black eye.” Dapat mong lagyan kaagad ng yelo ang paligid ng iyong mata at tingnan ang mata kung dumudugo ba. Kung lumalabo ang iyong paningin o kaya hindi mo na maigalaw ang iyong mata, magpakonsulta kaagad sa isang propesyonal na manggagamot.

Maglagay ng yelo bawat oras o bawat ikadalawang oras at gawin ito sa loob ng dalawang araw para mabawasan ang pamamaga at para maagapan ang mga ugat na pumutok o kumitid. Kung posibleng iangat ang bahagi ng iyong katawan na nagkapasa, gawin ito na lampas sa iyong puso para mabawasan ang dugo sa bahagi na mayroong pasa. Huwag hayaang mabilad sa araw ng matagal ang mga pasa sa kamay o paa at dapat itong ipahinga para hindi lumala.

Dapat gawin ang pag-hot compress o warm compress sa bahagi ng katawan na may pasa. Maaari mong gamitin ang tea bag o tsaa, ibabad ito sa mainit-init na tubig ng ilang minuto at pagkatapos ilagay ito sa bahagi na may pasa. Gawin ito sa loob ng ilang araw.

Mga Gamot sa Pasa

Maraming gamot sa pasa na maaari mong gamitin upang maibsan ang pamamaga, mapawi ang sakit, at makakatulong upang mabilis ang paggaling ng mga pasa. Isa sa mga natural na gamot sa pasa ay ang pinya, mayroon itong enzyme na nakapagpagaling ng mga pasa, maaari mo itong kakainin o gawing juice.

Ang iba pang prutas na magaling din bilang gamot sa pasa ay ang papaya dahil sa marami itong bromelain at ang mga sustansiya na makukuha sa papaya ay makabubuti sa ating immune system. Ang butter o mantikilya mabisa ring gamot sa pasa. Ang preskong mantikilya ay ilagay sa bahagi na nagkaroon ng pasa at imasahe ng kaunti. Ang patatas ay magaling din na gamot sa pasa, hugasan ito, hiwain ng manipis at ilagay sa pasa.

Kung ang dahilan ng iyong pasa sa katawan ay ang pagkasunog sa araw o na-sunburn, maaari mo itong gagamotin sa pamamagitan ng paglagay ng sabila o aloe vera, oatmeal, o kaya pulot.

Dapat na pumunta sa isang manggagamot

Pumunta kaagad sa isang manggagamot kapag ang iyong mga pasa ay mayroon nang matinding pangingirot at pamamaga dahil ito’y nangangahulogan na ang iyong mga pasa ay nagka-impeksiyon na. Lalo na kapag ito ay sinabayan ng lagnat o kapag hindi mo na maigalaw ang bahagi ng iyong katawan na may pasa.

Kapag bigla ka nalang na nagkaroon ng mga pasa na paulit-ulit at hindi ka naman nabunggo o nasaktan, dapat ka talagang magpakonsulta sa doctor kaagad.

Pero, kapag ang mga pasa ay hindi senyales sa isang sakit, kadalasan ang mga pasa ay kusa namang mawawala makalipas ang ilang araw.

KATULAD NA MGA ARTIKULO


Spread the love
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO