5 Mabisang Halamang Gamot Sa Pamamaga ng Paa

Ang pamamaga ng paa ay kadalasang dulot ng pagkakaroon ng rayuma o arthritis. Ang mga sakit na ito ay nagdudulot ng matinding pamamaga at pananakit ng paa.

Kung natatakot ka sa matitinding mga side effects na dala ng pag-inom ng pain relievers, basahin ng buo ang artikulong ito.

Narito ang ilan sa mga mabisang halamang gamot sa pamamaga ng paa na maaari mong subukan ngayon din.

Aloe vera

Ang Aloe vera ay isa sa pinaka-karaniwang ginagamit na halamang halamang gamut hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibat ibang panig ng mundo. Available ang aloe vera sa ibat ibang anyo nito, maging ito man ay pills, pulbos, gel o ang mismong dahoon nito.

Ang halamang gamut na ito ay kilala sa taglay nitong healing properties. Kaya nitong gamutin ang maliliit na sugat sa balat, sunburn, maging ang pamamaga ng mga kasukasuan.

Wala itong masamang side effects sa tiyan di tulad ng kilalang mga pain reliever na iniinom para sa arthritis.

Maaari mong ilagay ang gel nang aloe vera direkta sa namamagang bahagi ng paa.

May mga pag-aaral din na nagsasabi na ang pagkain ng dahon ng aloe vera ay nakakatulong na maibsan ang pananakit na dala ng arthritis.

Nangangailangan pa ng mas maraming mga pag-aaral upang matiyak na ang pamamaraang ito ay epektibo.

Eucalyptus

Ang eucalyptus ay kilalang lunas sa maraming mga karamdamn. Ang katas ng dahoon ng eucalyptus ay maaaring ilagay sa ibabaw ng namamagang kasukasuan.

Ang dahon nito ay nag tataglay ng sangkap na tannins, na nakatutulong na mabawasan ang pamamaga at sakit na dala ng rayuma.

Ang aromatherapy gamit ang eucalyptus ay maaari ring lunas sa mga sintomas ng pamamaga ng paa.

Maaari ka ring magbaon ng eucalyptus essential oil at ipahid ito sa masakit na kasukasuan kung bigla kang makaramdam ng sakit at pamamaga.

Tandaan na kailangan mo munang tiyakin na wala kang allergy sa eucalyptus bago ka gagamit ng anumang produkto na gawa dito.

Luya

Marami ang gumagamit ng luya sa pagluluto, ngunit ito ay nagtataglay ng medicinal na mga pakinabang. Ayon sa mga pag-aaral, ang parehong sangkap na nagbibigay sa luya nang maanghang na lasa ay nagtataglay ng anti-inflammatory properties

Sinasabi pa ng ilang mananaliksik na malamang na maging pamalit sa mga sintetikong gamut sa pamamaga ang luya.

Matagal nang ginagamit ang luya sa tradisyunal na paggamot sa pagkahilo, pero maaari mo rin itong gamitin sa pamamaga ng paa o sa anupamang pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan.

Narito ang ilang paraan ng paggamit ng luya:

  • Gawing tsaa sa pamamagitan ng paghalo ng luya sa kumukulong tubig sa loob ng limang minute
  • Magdagdag ng pulbos ng luya sa mga pagkaing bini-bake
  • Magdagdag ng pulbos ng luya o preskong luya sa linulutong ulam
  • Ihalo sa salad

Magtanong muna sa doctor mo kung balak mong magdagdag ng luya sa mga kinakain mo. Maaari itong magkaroon ng epekto sa ilang partikular na gamut na iniinom bilang maintenance.

Tsaa

Ang tsaa ay popular na inumin. Ang mga antioxidant na tinataglay nito ay makatutulong na labanan ang pamamaga sa paa na dulot ng rayuma o arthritis.

Maaari mong gamitin ang tsaa bilang:

  • Inumin
  • Pulbos, pwede itong ibudbod sa pagkain o gamiting dagdag sa smoothies
  • Food supplement

Turmeric

Ang turmeric ay ginagamit ngayong pampalasa sa mga pagkain at inumin. Ang aktibong sangkap ng turmeric, ang curcumin, ay nagtataglay ng sangkap na lumalaban sa pamamaga. Matagal na itong ginagamit sa tradisyunal na paggamot tulad ng Ayurvedic at Chinese medicine. Maaari itong lunas sa pamamaga ng paa.

Available ang turmeric sa sumusunod na mga anyo:

  • Pulbos, pwede itong ihalo sa pagkain o inumin
  • Tea bag, pwede itong gawing tsaa
  • Food supplements, kapsula o tablet na iniinom

Tandaan lamang na nangangailangan pa ng maraming pag-aaral ukol sa safety at pagiging epektibo ng turmeric.