nandito ka
Murang Halamang Gamot sa Ubo at Sipon Halamang Gamot sa mga Sakit 

Murang Halamang Gamot sa Ubo at Sipon

Maging tag-init man o tag-ulan, ang pagkakaroon ng ubo at sipon, lalo na ang makapit na ubong may plema ay isang permanenteng pahirap sa mga Pinoy; mga bata man o matatanda.

Ano nga ang mabisang halamang gamot sa ubo at sipon, iyon bang madaling makuha at hindi mahal? Naglista kami ng ilan para may pagpipilian ka!

Kalamansi: Halamang gamot sa ubo na may plema

Ang kalamansi ay isang mabisang sangkap para sa pagtunaw ng makapit na plema. Karagdagan pa, ang antibacterial properties at mataas na vitamin C na nasa kalamansi ay nagpapalakas ng kakayahan ng katawan na labanan ang iba’t ibang uri ng impeksyon.

Maglagay ng dalawang kutsarita ng katas ng kalamnsi sa isang baso ng mainit na tubig. Inumin ito ng hindi bababa sa tatlong beses kada araw para maibsan ang pangangati ng lalamunan at pagdami ng plema.

Pwede ka namang mag slice ng kalamansi, lagyan ito ng kaunting asin at sipsipin ang katas nito. Makatutulong itong sapilitang mailabas ang plema sa baga at lalamunan mo. Gawin ito ng dalawa o tatlong ulit bawat araw.

Luya: Halamang gamot sa ubo at sipon

Ang luya ay isang natural na decongestant o pangtanggal ng bara sa ilong kaya ito ay mabisang halamang gamot sa ubo. Ito ay matagal nang ginagamit para labanan ang mga impeksyon sa lalamunan at daanan ng hangin.

Ang luya ay may antiviral at expectorant properties din na nakatutulong para maibsan ang pagbabara sa lalamunan at dibdib na makatutulong saiyo na makahinga ng maluwag.

Magdagdag ng isang kutsara ng sariwang luya na hiniwa sa isang tasa ng kumukulong tubig. Hayaan ito sa loob ng ilang minuto at lagyan ng honey o asukal. Inumin ito bilang salabat ilang ulit sa maghapon.

Pwede ka namang magnguya ng sariwang luya o magdagdag ng maraming luya sa inyong mga lutuin.

Luyang dilaw: Gamot sa ubo na herbal

Ang luyang dilaw o turmeric ay may malakas na antiseptic properties na may kakayahang magpabawas ng plema sa pamamagitan ng pagpatay ng mga bacteria na dahilan ng sobrang pagdami ng plema. Nakapagpapalakas din ng immune system ang turmeric. Kaya ito ay isa sa pinaka mabisang halamang gamot sa ubo at sipon.

Mgadagdag ng isang kutsarita ng luyang dilaw sa isang baso ng mainit na gatas. Uminom nito isang beses kada umaga at isa naman bago matulog sa gabi.

Kumain ng kalahating kutsarita ng turmeric at uminom ng isang baso ng tubig dalawa o tatlong beses kada araw.

Sili para sa sipon at ubo

Ang sili ay isa pa sa tanyag na mga halamang gamot sa ubo. Ito ay may kakayahang palabasin ang sipon na namuo at bumara sa ilong at sa lalamunan. Ang anghang na nasa sili ay nakatutulong na maibsan ang sakit sa dibdib at pamamaga ng lalamunan na dulot ng sipon.

Haluin ang mga sangkap na ito: isang kapat na kutsarita ng sili at ginayat na sariwang luya, isang kutsara ng honey at apple cider vinegar at dalawang kutsara ng tubig.

Inumin mo ito ng dalawa o tatlong beses kada araw. Pwede mo ring ihalo o dagdagan ang sili sa iyong mga lutuin.

Sibuyas para sa sipon at ubong may plema

Kung sa akala mo na ang sibuyas ay isang sangkap lamang sa pagluluto, nagkakamali ka! Ito ay isang mabisang halamang gamot sa ubo na may plema! Ang sibuyas ay isang mabisang antibiotic, anti-inflammatory at expectorant na makatutulong saiyo na maginhawahan ang iyong lalamunan at maalis ang namumuong plema. Karagdagan pa, ang sibuyas ay nakatutulong na mapalakas ang iyong immune system at mapabilis ang iyong paggaling.

Hugasang mabuti at tadtadin ng pino ang isang maliit na sibuyas. Ihalo ito sa dalawang kutsara ng asukal at itabi sa loob ng kalahating oras. Ang pinaghalong mga sangkap ay mabubuo ng likido. Kumuha ng isang kutasara nito at uminom bawat dalawa o tatlong oras para mabilis kang gumaling. Pwede mong itago ang natitira pa sa refrigerator ng isa o dalawang araw.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Murang Halamang Gamot sa Ubo at Sipon
4 (80%) 8 votes