Ano Ba Ang Mabisang Halamang Gamot Para sa Tuberculosis?

Naghahanap ka ba ng mabisa at murang gamot para sa tuberculosis? Likas sa mga pinoy ang pagiging matipid, mapa-pagkain man ito o mga bilihin, at kahit pa nga maging sa gamot. Kaya naman para sa iyo ang artikulong ito! Tatalakayin natin dito kung paano makakatulong sa iyo ang mga ituturo kong halamang gamot para sa tuberculosis. Pag-usapan natin!

Mga kaalaman tungkol sa Tuberculosis o TB

Bago natin talakayin ang mga halamang gamot sa tuberculosis, alamin muna natin ang mga mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman patungkol sa isang karaniwang sakit ng mga Pilipino, ang TB. Ano ba ang tuberculosis?

Ang tuberculosis ay isang kilalang infectious disease na nanggaling bakteryang tinatawag na mycobacterim tuberculosis.

Maraming tao ang naniniwala na ang mga karaniwang biktima ng sakit na ito ay mga bata at ang mga buntis. Posibleng totoo ito, pero alam mo bang walang pinipili ang sakit na ito? Mabilis rin itong makahawa! sinuman ay pwedeng ma-infect ng sakit na ito sa sandaling ang isang tao ay magkaroon ng physical contact sa pasyenteng may TB.

Ano-ano ba ang sanhi ng tuberculosis? Kagaya ng nabanggit sa itaas, ang pangunahing sanhi ng sakit na ito ay ang bakteryang mycobacterim tuberculosis. Maaring makuha ang bakteryang ito sa pamamagitan ng hangin, pag-bahi, pag-ubo, at pagtalsik ng laway ng pasyente sa tuwing tumatawa o nagsasalita ito.

Ang mga pangunahin sintomas ng tuberculosis ay ang mga sumusunod:

  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Pagihing matamlay o kulang sa enerhiya ang katawan
  • Pananakit ng dibdib
  • Mabilis mapagod
  • Kinakapos sa paghinga
  • Indigestion
  • Pananakit ng likod

Nakakaramdam ka ba ng mga sintomas na ito? Kaibigan, baka may tuberculosis ka nga! Pero huwag kang mag-alala, alam mo bang simula noong 1995 ay meron ng mahigit 22 milyong tao ang gumaling at naka recover sa sakit na ito? Maraming salamat sa pag-unlad ng kaalaman at medesina. Gusto mo bang dumagdag sa bilang ng mga gumaling na ito? Matutulongan ka ng artikulong ito! Mamaya lamang ay ituturo ko sa iyo ang mga iba’t ibang halamang gamot sa tuberculosis. Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo.

Halamang gamot sa tuberculosis na pwedeng isagawa sa bahay (Home Remedy)

Katulad ng nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito, ang pangunahing layunin nito ay matulungan ang mga pinoy na magkaroon ng kaalaman sa paggamit ng mga halamang gamot sa tuberculosis. Sa pamamagitan ng mga halamang ito, mapapagaling na at makakatipid pa ang ating mga kababayan. Kaya naman huwag na natin itong patagalin pa. Narito ang mga halamang gamot na dapat mong subukan, mga halaman na maaaring hindi mo alam na mabisang gamot pala sa TB.

  • Tomato o kamatis – Ang kamatis ay kilalang mayaman sa bitamina na kailangan ng ating katawan. Ang pagkain ng isang kamatis kada araw ay ang pinaka-simple at madaling method para sa tuberculosis treatments.
  • Paano gamitin: Pumili ng sariwang kamatis. Pigain ito at haluan ng tubig o kaya ay 15 gramo ng fish oil. Magsisilbi itong supplement vitamins na makakatulong sa pagpapalakas ng katawan para labanan ang TB. Inumin ito araw-araw para sa mas mabilis at epektibong resulta.
  • Orange – Ang isang taong may tuberculosis, maaaring masira ang kanyang lungs o baga pagdating ng panahon. Ayon naman sa mga eksperto, ang prutas na ito ay merong mga mineral at compounds na mabisang pampalakas ng baga ng pasyenteng may TB.
  • Paano gamitin: Kumuha ng sariwang orange at pigain ito. Ihalo ang katas ng orange sa asin o kaya honey para mas masarap inumin. Inumin ang juice na ito ilang beses sa loob ng isang araw para sa pagpatibay ng iyong lungs o baga.
  • Garlic o bawang – Dahil sa malawak na uri ng sakit ang napapagaling ng bawang, itinuturing ito ng mga pinoy na biyaya ng kalikasan. Ang sulfuric acid na nakukuha sa bawang ay mayroong napakahalagang role na ginagampanan sa paglaban sa bakteryang mycobacterim tuberculosis.
  • Paano gamitin: Ilaga ang ilang piraso ng bawang sa tatlo hanggang apat na baso ng tubig at isang baso ng gatas. Pakuluin ito ng matagal hanggang sa kaunting tubig na lamang ang matira. Pagkatapos ay inumin ang pinaglagaan ilang beses sa isang araw para sa mas mabilis na resulta.
  • Banana o saging – Ang saging ay mayaman sa iba’t ibang bitaminang katulad ng calcium. Ito ay pinaniniwalaang mabisang gamot sa mga sintomas ng tuberculosis. Dagdag pa, ang prutas na ito nakakabawas sa matinding ubo ng pasyente.
  • Paano gamitin: Pumili ng isang sariwang saging at pigain hanggang sa madurog. Haluan ito ng isang tasa ng sabaw ng buko, yogurt, at isang kutsarita ng honey. Inumin ang juice araw-araw hanggang sa gumaling ang tuberculosis.
  • Coconut o niyog – Ang sabaw ng niyog ay mabisang gamot sa lagnat ng pasyenteng may tuberculosis. Dagdag pa, ang ibang nutrients na nakukuha sa niyog ay nakakatulong sa pagpalakas ng immune system para labanan ang sakit na ito.
  • Paano gamitin: Uminom lamang ng isang tasa ng sabaw ng niyog araw-araw para sa mas mabilis na resulta.
  • Apple o mansanas – Ang mansanas ang isa sa pinakamadaling paraan para sa tuberculosis treatment. Kailangan lamang kaunting effort, ngunit kapalit naman nito ang malaking benepisyo.
  • Paano gamitin: Pigain ang mansanas at ihalo sa asukal at cinnamon. Palamigin ito sa loob ng apat hanggang limang minuto. Inumin ang juice maka ilang ulit sa isang araw para sa agarang resulta.
  • Pineapple o pinya – Katulad ng ibang prutas, ang pinya ay biyaya rin para sa mga pinoy. Isa sa mga rason nito ay ang kakayahan nitong pagalingin ang TB. Ang juice na galing sa pinya ay isang mabisang gamot para sa tuberculosis.
  • Paano gamitin: Simple lang, kumain lamang ng pinya araw-araw para sa mas magandang resulta.

Paalala bago gamitin ang mga halamang gamot sa tuberculosis

Hindi maitatanggi na ang lahat ng mga halamang gamot na nabanggit ay talagang mabisa. At pinatunayan ito ng marami ng pasyenteng napagaling nito.

Kaunting payo lamang para sa mga nais sumubok nito katulad mo. Mas maigi pa rin ang magpatingin muna sa isang doktor para sa mas ligtas na pamamaraan. Ang malawak na kaalaman ng isang doktor lalo na sa sakit na tuberculosis ay higit pa sa kahit ano man.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano Ba Ang Mabisang Halamang Gamot Para sa Tuberculosis?
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO