nandito ka
Halamang Gamot sa Sinisikmura: Mga Dapat Kainin at Inumin Kapag Sinisikmura Halamang Gamot sa mga Sakit 

Halamang Gamot sa Sinisikmura: Mga Dapat Kainin at Inumin Kapag Sinisikmura

Karamihan sa mga Pinoy, bata man o matanda ay kadalasang makaranas ng mga sintomas ng sinisikmura. Ano nga ang mabisang halamang gamot sa sinisikmura? Kung ang hyperacidity ay dala ng pagbubuntis, ano nga ba ang pwede mong gawin para maibsan ang mga sintomas na dala ng hyperacidity sa buntis?

Aloe vera para sa sinisikmura

Ang aloe vera ay isang halamang gamot na ginagamit para gamutin ang mga sunog o paso, at ang mga tao ay naiisip na gamitin ang aloe vera sa paggamot sa sunburn, ngunit ito ay epektibo sa maraming mga sakit. Ito ay mabisang ding gamot sa hurtburn o sinisikmura dahil ito ay nakapagpapabawas ng pamamaga. Ibig sabihin, kung ang iyong bituka ay nagsisimula nang mamaga, ang isang baso ng aloe vera juice ay makakatulong para maibsan ang pananakit.

Para gamitin ang aloe vera bilang halamang gamot sa sinisikmura, kailangan mong kumaha ng kalahating tasa ng aloe vera juice. Uminom ka ng malamig nito bago ka kumain. Tandaan na ang aloe vera ay pwedeng maging laxative o pampadumi, kaya dapat na maging handa kang tumagal sa banyo kapag uminom ka ng halamang gamot na ito.

Saging at mansanas: halamang gamot sa sinisikmura

Ang saging ay nagtataglay ng natural na antacid na nagsisilbing panglaban sa acid reflux. Kung gusto mong subukan ang pinaka simpleng halamang gamot sa sinisikmura kahit nasa bahay ka lang, bumili ka ng hilaw na saging at hayaan itong huminog ng kusa at kumain ka ng isa bawat araw. Mas maganda kung kakainin mo ito ng ilang oras bago matulog para maibsan ang mga sintomas ng sinisikmura.

Maglaga ng luya kung sinisikmura

Ang luya ay isang mabisang halamang gamot sa maraming sakit sa tiyan tulad ng pagsusuka at acid reflux. Ang paginom ng salabat 20 minuto bago kumain ay nakakatulong na pakalmahin ang iyong tiyan dahil neutralizer ito ng acid.

Kumuha ng isang pulgadang luya at ilaga ito sa dalawang tasa ng tubig. Takpan sa loob ng 30 minuto. Tanggalin ang mga piraso ng luya at inumin ang salabat 20 minuto bago kumain.

Halamang gamot sa sinisikmura kapag buntis

Ang totoo, ang pagpili ng iyong mga kakainin at hindi kakainin ay kasama sa mga magdidikta kung sisikmurain ka kung ikaw ay buntis. Kaya kung buntis ka, dapat na sundin moa ng sumusunod na mga payo para hindi ka magkaroon ng mga sintomas ng sinisikmura:

  • Kumain ng paunti-unti sa buong araw
  • Iwasang kumain dalawang oras bago matulog
  • Gawing main meal ang tanghalian
  • Umupo ng tuwid pagkatapos kumain, huwag mahihiga agad
  • Uminom ng maraming tubig
  • Ngumuya ng chewing gum
  • Kumain ng mga pagkaing nakaka neutralize o alkalinize ng acidity tulad ng abocado, almonds, mabeberdeng gulay, bawang at iba pa
  • Nakakatulong din ang mga tsaa tulad ng lemonade at salabat

Pero tandaan, kung ikaw ay iinom o kakain ng anong halamang gamot sa sinisikmura kung ikaw ay buntis, kailangan mo ang tamang pag-iingat dahil ano man ang ipipasok mo sa katawan mo, tiyak na may epekto yan sa sanggol na dinadala mo. Tutal, ang paghilab ng tiyan dahil sa acidity ay normal lamang sa buntis.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Halamang Gamot sa Sinisikmura: Mga Dapat Kainin at Inumin Kapag Sinisikmura
2.2 (43.33%) 6 votes