nandito ka
Mga Halamang Gamot sa Sakit ng Ulo na Matatagpuan sa Kusina Halamang Gamot sa mga Sakit 

Mga Halamang Gamot sa Sakit ng Ulo na Matatagpuan sa Kusina

Kung isa ka sa milyun-milyong Pilipino na nakakaranas ng sakit ng ulo, tama saiyo ang artikulong ito. Bagaman marami sa atin ang nasanay nan a uminom ng komersiyal na gamot sa sakit ng mga ulo, parami ng parami sa ngayon ang mga taong mas gustong gumamit ng mga halamang gamot.

Ang mga kultura sa iba’t ibang panig ng daigdig ay may sarili nang herbal na mga pamamaraan ng panggagamot bago pa man mauso ang modernong medisina. Marami sa mga tradisyunal na pamamaraang ito ay nananatiling epektibo. Bagaman karamihan sa mga halamang gamot na ito ay hindi pa lubusang napag aaralan ng siyensia, ang paggamit ng mga halamang gamot sa sakit ng ulo ay kinikilala na ng mga dalubhasa sa modernong larangan ng medisina.

Tandaan lamang na kailangan mo paring mag ingat kung naghahanap ng halamang gamot sa sakit ng ulo. Makipag usap sa doktor bako ka magsimula o humintong gumamit ng gamot herbal man o hindi. May mga halamang gamot na pwedeng maging salungat sa iba pang uri ng panggagamot.

Luya para sa sakit ng ulo

Ang luya ay isang pangkaraniwang halaman na matatagpuan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ito ay ginagamit nang panggamot ng mga Tsino sa loob ng mahigit 2000 taon. Ang mga Arabo at Bumbay ay gumagamit na rin ng luya bilang gamot mula pa noong sinauna.

Ang luya ay napatunayan nang gamot sa pamamaga, gamot sa virus, sa fungus at sa bakteriya. Ayon sa mga dalubahasa sa kanilang pag aaral noong taong 2014, napatunayang ang luya ay may kakayahang magpagaling ng sakit ng ulo tulad ng sumatriptan, isang gamot na kadalasang irineriseta para sa sakit ng ulo. Karamihan sa mga Pinoy ay kaya ang lasa ng luya, bagaman ito ay hilaw, pinatuyo, nasa kapsula o katas. Huwag lamang nap ag sabayin ang pag inom ng luya sa mga gamot na nakapagpapalabnaw ng dugo tulad ng gamot sa highblood sapagkat malamang na ito ay may masamang epekto. Makabibili ka ng mga supplement na may luya sa mga botika na malapit saiyo.

Magkape kung masakit ang ulo

Sa Tsina, ang kape ay ginagamit ng halamang gamot sa sakit ng ulo mula pa noong dinastiyang Ming. Dahil ito sa taglay nitong caffeine na may kakayahang mag alis ng sakit. Ito ay naging uso sa Europa noong ika 18 at 19 siglo bagaman ito ay talagang naimbento sa Saudi Arabia. May mga gamot na rin na gawa sa caffeine na mabibili sa botika bilang over the counter na gamot.

Bagaman ang caffeine na nasa kape ay madalas nap ag aralang kasama ng iba pang uri ng pain reliever, ito ay itinuturing na mainam na pandagdag sa mga gamot na iniinom ng mga taong may pabalik balik na sakit ng ulo. Subalit tandaan, ang pag inom ng kape at paghinto ng pag inom nito ay maaari ring maging sanhi ng sakit ng ulo.

Patatas, halamag gamot sa sakit ng ulo

Dalawang libong taon nang ginagamit ng mga tao sa Europa ang patatas bilang halamang gamot sa iba’t ibang sakit. Ang sinaunang mga taga Europa ay nagpapatunay na ang pag patong sa ulo ng hiwa ng hilaw na patatas ay epektibong gamot sa sakit ng ulo. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbalot sa tela na siya ring itatali sa ulo. Pwede ring imasahe ang hilaw na patatas sa masakit na ulo para maibsan ang tensyon. Wala pang sapat na pag aaral para patunayang ang patatas ay epektibong halamang gamot sakit ulo.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Mga Halamang Gamot sa Sakit ng Ulo na Matatagpuan sa Kusina
2 (40%) 1 vote