Epektibong Halamang Gamot sa Rayuma

Nakararanas ka ba ng pamamaga at pagsakit ng kasukasuan? Kapag tumatayo ka sa pagkakaupo, halos hindi mob a maitapak ang mga paa mo sa sakit? Chances are, may rayuma ka! Ang rayuma o artritis ay isang klase ng karamdaman kung saan namamaga ang mga kasukasuan. Ang mga taong nakararanas ng sakit na ito ay hindi basta-basta umiinom ng gamot. Katunayan nga, kadalasan, sila ay mas nagtitiwala pa sa halamang gamot sa rayuma.

May mga halamang nagagamit para maibsan ang pakiramdam nang dahil sa rayuma. Maaring hindi masyadong pamilyar ang nakararami sa herbal medicine na ito. Baka pati ikaw ay hindi alam kung ano nga bang halamang gamot sa rayuma ang puwedeng makatulong sa iyo. Sa artikulong ito, malalaman mo kung ano talaga ang mga pinaka mabuting gawin at hindi dapat gawin kapag may rayuma. Matututunan mo rin ang mga pagkaing bawal at dapat kainin. Higit sa lahat, malalaman mo rin dito ang pinaka-‘da best na halaman para sa artritis mo.

Uri ng Rayuma

Iba’t-iba ang uri ng rayuma. Sa maraming uring ito, dalawa ang pinaka-karaniwang maranasan ng nakararami. Ito ay ang osteoarthritis o OA, at rheumatoid arthritis o RA. Kahit na parehong nagdudulot ng category ang mga ito at parehong nagdadala ng sobrang sakit na pakiramdam, ang dalawa ay magkaiba dahil ang OA ay resulta ng pagkasira at pagnipis ng cartilage. Samantalang ang cartilage naman ay matatagpuan sa dulo ng magkakabit na buto upang maiwasan ang pagkikiskisan ng mga ito.

Madalas, numinipis o nasisira ang acargilage ng joints dahil sa palaging paggalaw at paggamit ng mga kasukasuan sa napakatagal na panahon. Samantalang sa RA, mismong ang immunte system sa katawan ang sumisira sa lining ng kasukasuan sanhi ng hindi pa malamang dahilan. Ang mga kasukasuan o joints ay binubuo ng mga butong magkahugpong.

Sanhi ng rayuma

Ang rayuma o atrtritis ay namamana. Ito rin ay isang sakit na may taglay na genetic predisposition. Apektado ang mga joints sa katawan at ang mga ito ay nagdudulot ng paninigas at pananakit ng mga nabanggit na joints. Hindi na halos mabilang ang mga sanhi ng rayuma. Kabilang na rito ang gout, reheumatic fever, impeksiyon, pagtanda, tumor, osteoarthritis, at iba pang mga karamdamang konektado sa nervous system.

Ang sakit na rayuma ay hindi na gumagaling. Subalit ito ay napapakalma. Mas mabuting kumonsulta na sa doktor upang masuri at magawan ng ilang mga tests. Sa paraang ito, mas madali nang malalaman ang sanhi ng rayuma. Mas madali ring makakahanap ng lunas, maging ng halamang gamot sa rayuma.

Bawal kainin

Napakaraming bawal kaninin ng isang taong may rayuma. Maging sa mga inumin, may mga bawal ding ikonsumo ang isang nirarayuma. Bago malaman ang mga mabisang halamang gamot sa rayuma, importanteng tandaan muna ang mga hindi dapat isama sa pang-araw-araw na menu. Narito ang ilan sa mga iyon:

  1. Ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig na aabot sa mahigit 2 litro sa isang araw. Gawin lamang ito kung walang sakit sa bato, puso o atay.
  2. Iwasan ang pag-inom ng alak at iba pang mga alkohol na inumim. Katulad ng alak, gin at beer. Kung iinom ng red wine para sa mas malusog na puso, puwede naman itong gawin basta huwag lang lalampas sa 2servings kada araw kung ikaw ay lalaki, at isang serving naman, kung ikaw ay babae.
  3. Magbawas sa pag-inom ng powdered juices at softdrinks. Ang mga ito ay nagtataglay ng corn syrup at fructose na pumipigil sa pagre-release ng uric acid sa katawan. Ito ay nagiging sanhi ng rayuma.
  4. Limitahan ang pagkain ng mga seafood, red meat, at mga laman-loob gaya ng balun-balunan at atay ng mga hayop. Siguraduhing nasa 1-2 serving lamang kasa linggo ang kinokonsumo.Ang ganitong mga pagkain ay may pinakamaraming purines na nakapagpapataas ng uric acid. Kung ikaw ay pinayuhang kumain ng mas maraming isda para pagbaba ng iyong cholesterol, kumonsulta muna sa doktor para malaman ang gamot o food supplement na puwedeng inumin.
  5. Kung nais makasiguro sa kaligtasan ng mga kinokonsumo para sa ganitong.

Mga halamang gamot sa rayuma

Hindi lahat ng gamot ay ligtas inumin. Kaya naman mas mainam pa rin ang herbal na panglunas para mas mababa ang posibilidad ng pagdanas ng side effect. Kadalasan, ang mga halamang gamot sa rayuma ay madali lamang mahanap. Hindi rin mahihirapan ang pasyente kung ang mga ito ay susubukan. Narito ang ilan sa mga halamang makakatulong sa rayuma:

  • Luyang dilaw o turmeric – ito ay may taglay na curcumin, isang aktibong sangkap na may anti-inflammatory at anti-arthritic propertis na higit na epektibo kaysa sa mga gamot na iniinom.
  • Bawang – ito ay may napakataas na anti-inflammatory properties na tunay na mabisang gamot sa rayuma.
  • Pansit-pansitan – ito ay mainam na halamang gamot sa rayuma. Ang sanga at dahon nito ay inilalaga. Pagkatapos, iniinom ang pinaglagaan. Puwede ring ihalo sa salad ang nasabing halaman.
  • Sabila – ito ay may healing properties na napakabilis magpagaling ng sumasakit na kasukasuan.

Mga iba pang lunas

Bukod sa mga nabanggit na halamang gamot sa rayuma, may iba pang mga paraan para mapakalma ang sumasakit na joints sa katawan. Una na rito ang pagpapanatili ng tamang timbang.Kung overweight, napakainam na bawasan ang bigat. Ang katabaan ay nagdudulot ng mas malakas na puwersa sa buong katawan na nagiging sanhi ng pagsakit ng kasukasuan.

Nariayn din ang pag-e-ehersisyo ng regular. Importanteng malakas ang mga laman-laman sa paa, lalo na ang muscles na matatagpuan sa harap ng hita. Mas napapalakas ito sa pamamagitan ng pagikwat o squat exercise. Makaktulong din ang papagsali sa paboritong sport.

Kasabay ng pagsubok sa mga halamang gamot sa rayuma, kumain ng may taglay na mataas na Vitamin C, Vitamin D at Omega-3 fatty acids. Hindi man tuluyang sinusuri ang nasabing sakit, binabawasan ng mga ito ang panganip at nakokontrol din ang paglala ng rayuma.

Makikita bas a bakuran mo ang mga nabanggit na halamang gamot sa rayuma sa artikulong ito? Ano man ang napili mong paraan, siguraduhing kumonsulta muna sa doktor. Huwag asahang ang mga herbal na gamot na ito ang solusyon para tuluyan nang mawala ang rayuma mo. Tandaan, hindi na gumagaling pa ang sakit na ito. Ngunit pakakalmahin nila ang matinding sakit na nararamdaman mo.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Epektibong Halamang Gamot sa Rayuma
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO