nandito ka
Paragis: Halamang Gamot na Dating Hindi Pinapansin, Ngayon – Trending! Mga Halamang Gamot 

Paragis: Halamang Gamot na Dating Hindi Pinapansin, Ngayon – Trending!

Ang artikulong ito ay tatalakay sa mga impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa halamang gamot na paragis.

Parami nang parami ang mga taong naniniwala sa kakayahan ng kalikasan na magpagaling ng iba’t ibang uri ng mga karamdaman sa pamamagitan ng alternatibong pamamaraan. Dahil diyan, gusto ka naming ipakilala sa isang uri ng damo, isang halamang gamot na dati ay hindi gaanong pansin ng mga tao, subalit dahil sa pambihira nitong mga kakayahang magpagaling, ito ngayon ay trending na sa mga balita sa telebisyon at sa social media.

Ang damong ito ay isang pangkaraniwang halaman na tumutubo halos kahit saan dito sa atin sa Pilipinas, kaya kadalasan ay binabaliwala lamang natin. Pero ang hindi natin alam, ito pala ay may taglay na sangkap na nakapagpapagaling ng maraming uri ng mga karamdaman. Ito ay ang Paragis o Goose grass!

Ang halamang gamot na paragis ay may scientific name na Eleusine indica. Ito ay matatagpuan halos saan man dito sa ating bansa, sa tabi ng mga kalsada, sa mga bakanteng lote at mga sa tabing ilog. Maramingb mga pag-aarala ng nagsasabing ang paragis ay may kakayahang gamutin o iwasan ang ilang partikular na mga sakit.

Mga lugar kung saan tumutubo ang paragis

Ang paragis ay isang katutubong halaman sa mga bansa sa Africa, Asya, Europa, at Australia. Hindi pa matiyak ng mga dalubhasa kung ang halamang ito ay nabubuhay na sa Hilagang Amerika subalit ang tiyak, ang halamang gamot na paragis ay nabubuhay na sa kalakhang bahagi ng Estados Unidos at sa mga kalapit nitong mga bansa.

Sa bansang Africa, ang paragis ay ginagamit bilang natural na sangkap sa paghgamot ng iba’t ibang uri ng mga karamdaman. Ang halamang ito ay napatunayang nagtataglay ng isang uri ng protina at iba pang pambihirang mga sangkap tulad ng silicon monoxide. Ito ay sinasabi ring may taglay na anti-inflamatory. Antidiabetic, antioxidant, pampaliit ng tumor at natural na pampaihi. Ang mga tangkay, ugat at dahon ay ginagamit na halamang gamot sa pamamagitan ng paglaga nito.

Mga Pakinabang ng Paragis bilang halamang gamot

Kanser – Ang anti oxidant na nasa halamang gamot na paragis ay humahadlang sa paglaki at pagparami ng mga cancer cells sa katawan ng tao.

Cyst sa obaryo at myoma – Dahil sa ang paragis ay humahadlang sa paglaki ng mga bukol sa katawan tulad ng cyst o tumor, ang ovarian cyst at mayoma ay sinsasabing nagagamot ng pag inom ng tsaa na gawa sa paragis.

Sakit sa bato – Ang mga problema sa kidney ay sinasabing nalulunasan ng pag inom ng tsaang gawa sa paragis. Ito daw kasi ay may kakayahang paramihin ang tubig sa katawan ng tao kaya’t napapadalas ang pag-ihi na siyang nag aalis ng sobrang asin sa katawan. Ang paragis ay kilalang natural na diuretic.

Arthritis – Dahil sa ang paragis ay may anti-inflamatory properties, ang ininit na dahon ng halamang gamot na ito na sinamahan ng kinayod na niyog ay epektibong lunas sa pamamaga ng mga kasukasuan kapag ito ay itinapal sa apaektadong bahagi ng katawan.

Diabetes – Sinasabi ng mga dalubhasa na ang paragis ay nagtataglay din ng sangkap na panlaban sa diabetes at may kakayahang gawing normal ang inyong blood sugar level.

Pagdurugo ng sugat – May sangkap din ang paragis na nakapagpapahinto ng pagdurugo. Magdikdik ng dahon ng paragis at ilagay sa sugat para tumigil ang pagdurugo ng sugat.

Iyan ay iilan lamang sa mga sakit na sinasabing kayang pagalingin ng halamang gamot na paragis. Ang ibang pang sakit na sinbasabing nalulunasan nito ay ang hika, pangingisay malaria, pagkabaog sa mga babae, sakit sa pantog, sakit sa atay at paninilaw. Dahil sa ito ay isang natural na diuretic, ito ay lunas sa mga sakit na dala ng kahinaan o problema sa pag ihi tulad ng bato sa bato at apdo, highblood, at mga sakit sa puso, baga at atay.

Paggawa ng paragis tea

Nalaman na natin kung ano ang paragis at kung anu-anong mga sakit ang kaya nitong lunasan. Alam na rin natin kung saan tayo makakakuha ng dahon o alin mang bahagi ng halamang paragis. Ngayon, paano nga ba natin pakikinabangan ang kamangha-manghang kakayahang ito ng halamang gamot na paragis? Ang sagot, gawin mo itong tsaa, tulad ng iba pang mga halamang gamot na ginagamit mo. Pero paano nga ba ang paggawa ng paragis tea o tsaang paragis? Narito ang mga paraan. Ito na ang pinaka-simpleng paraan ng pagluto ng paragis tea.

Paghahanda ng paragis tea:

  • Siguraduhin mong naalis mo na ang lahat na ugat ng paragis
  • Hugasang mabuti ang damo
  • Ilagay ang buong katawan ng damo (tanggal na ang ugat syempre) saq isang kaserola o kaldero. Mas maganda kung meron kayong palayok na pwedeng gamitin para dito.
  • Maglagay ng isang litro ng tubig sa paglulutuan, ito man ay kaserola, kaldero o palayok
  • Pakuluan ito sa loob ng sampung minuto
  • Pakatapos itong pakuluan, isalin ito sa isang malinis na lalagyan para hindi ito masira
  • Pwede mo na itong inumin.

Halamang gamot na paragis: Mga babala at side effects

Ang paragis ay sinasabing ligtas na gamitin bilang halamang gamot. Wala pa naman tayong mababalitaan na isang tao na lumala ang sakit o kaya ay nalason dahil sa pag inom ng tsaang paragis hindi ba? Pero ang mga dalubhasa ay nag sasabi na kailangan mo paring maging maingat sa paggamit ng halamang gamot na ito dahil sa posibleng side effects o hindi magandang mga resulta nito sa katawan ng tao. Halimbawa, kung ikaw ay buntis, kailangan mong mag ingat na hindi makainom ng anumang uri ng kemikal na maaaring makasama sa sanggol na iyong dinadala sa sinapupunan mo hindi ba? May mga sangkap ang paragis na hindi pa tiyak ang epekto sa sanggol sa sinapupunan kaya ito ay nangangailangan pa ng ibayong medikal at maka agham na mga pagsusuri. Kaya kung ikaw ay buntis o kaya naman ay nagpapasuso ng sanggol, mas mabuti kung hindi ka na muna uminom ng halamang gamot na ito, para ikaw at ang iyong anak ay siguradong ligtas sa anuman uri ng side effects.

Karagdagan pa, ang mga dalubhasa ay nagbababala na ang pag inom ng paragis tea ay dapat na katamtaman lamang ang dami. Ito ay hindi rin dapat na ibigay sa mga taong may diabetes. Pero tulad ng nasabi na natin, wala pa naman tayong mababalitaan na isang tao na lumala ang sakit o kaya ay nalason dahil sap ag inom ng tsaang paragis.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Paragis: Halamang Gamot na Dating Hindi Pinapansin, Ngayon – Trending!
Rate this post