nandito ka
Murang Halamang Gamot sa Pagtatae Halamang Gamot sa mga Sakit 

Murang Halamang Gamot sa Pagtatae

Ang pagtatae ay isang pangkaraniwang sintomas ng sakit sa tiyan na kung saan mas madalas kang magbabawas ng halos tubig na dumi.

Kung naghahanap ka ng lunas sa iyong pagtatae, ang artikulong ito ay ginawa para saiyo.

Dahon ng tanglad para sa pagtatae

Ang tanglad o lemon grass o ginger grass sa Ingles ay isang mabisang halamang gamot na lunas sa pagtatae.

Maglaga ng sampung murang dahon ng tanglad sa dalawang baso ng tubig. Magdagdag ng isang kutsarang asukal at isang piraso ng dinikdik na luya.

Para sa matatanda, uminom ng isang tasa nito tatling beses kada araw at tuwing ikaw ay dudumi ng matubig.

Para sa mga bata o sanggol, painumin sila ng isang kutsara tatlong beses kada araw at tuwing dudumi siya ng tubig.

Sa batang dalawa hanggang anim na taong gulang, bigyan siya ng ¼ tasa tatlong beses kada araw at tuwing magbabawas siya ng tubig.

Kung ang iyong anak naman ay pito hanggang labindalawang taong gulang na, painumin siya ng kalahating tasa nito tatlong bese kada araw at tuwing siya ay magbabawas.

Luya kung ikaw ay nagtatae

Ang luya ay kilalang antibiotic at nakatutulong ito na maibsan ang sakit sa tiyan na dala ng pagtatae. Gumawa ng salabat sa pamamagitan ng paglaga ng isang pulgadang dinikdik na luya. Inumin ito ng dalawa o tatlong beses kada araw. Pwede mo ring nguyain ang luya at lunukin ang katas nito ng dahan-dahan.

Balat ng orange, gamot sa pagtatae

Ang balat ng orange ay siksik sa antioxidants at vitamin C. Kunin mo ang balat ng prutas at hugasan ito ng maigi para masiguradong maalis ang bakas ng pestisidyo. Ilaga ito sa tatlong tasa ng tubig. Hayaan itong lumamig. Lagyan ng asukal bago inumin. Inumin ito ng ilang beses kada araw hanggang sa mawala ang pagtatae.

Saging kung nagtatae

Ang saging ay sagana sa potassium at fiber na nakakatulong para mawala ang pagtatae.Ang pectin na nasa saging ay isang uri ng soluble fiber na humihigop sa tubig na nasa bituka, na dahilan ng pagtigas ng dumi. Ang potassium ay nagsasaayos ng anumang problema sa eletrolytes sa tiyan. May kakayahan din ang saging na gamutin ng tuluyan ang pagtatae.

Hugas bigas para sa diarrhea

Ang mga pagkain na mayaman sa starch ay nakatutulong na malunasan ang pagtatae. Ang bigas ay siyang pangunahing pagkain ng mga Pilipino na mayaman sa starch. Maglaga ng bigas at habang hindi pa ito luto, kunin ang sabaw nito. Inumin ito ng 4 hanggang 5 beses kada araw hanggang sa tumugil na ang iyong pagtatae.

Asin at asukal

Ang pagkain ng asin at asukal ay kahanga hanga at madaliang lunas sa pagtatae. Ang asin at asukal ay nakapagpapanauli ng mga electrolyte sa katawan at kaya nitong gamutin ang mga sintomas ng pagtatae.

Kung ikaw ay nagtatae, kumain ng isang kutsarita ng asukal at haluan ito ng kaunting asin. Uminom ka ng isang baso ng tubig. Pwede mo ring ihalo ang asin at asukal sa isang baso ng tubig. Siguradong bubutui ang pakiramdam mo matapos na uminom nito. Gawin ito uli ng dalawang pang beses para tuluyan nang mawala ang pagtatae.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Murang Halamang Gamot sa Pagtatae
4.8 (96%) 5 votes