nandito ka
Niyog-niyogan: Mabisang Halamang Gamot ng mga Pinoy Mga Halamang Gamot 

Niyog-niyogan: Mabisang Halamang Gamot ng mga Pinoy

Ang artikulong ito ay tatalakay sa mga gamit pang medisina, kapakinabangan sa kalusugan at mga side effects ng paggamit ng niyog-niyogan bilang halamang gamot.

Ano ang niyog-niyogan?

Ang niyog-niyogan o kilala sa makaagham na pangalan bilang Quisqualis indica ay isang kamangha-manghang halaman na kung saan ang mga bulaklak nito ay dalawa o tatlong beses na nagpapalit ng kulay araw araw kapag ito ay namukadkad na. Ang halamang ito ay mas kilala dahil ito ay isang halamang gamot na may kakayahan bilang pamurga at may taglay din itong gamot laban sa kanser. Sa katunayan, ang niyog-niyogan ay isa sa mga halamang gamot na inirerekomenda ng ating Department of health dahil sa ito ay isang epektibong pamurga o pamatay bulate.

Para malaman mo ang higit pang mga impormasyon tungkol sa kamangha-manghang halamang ito, ipagpatuloy moa ng iyong pagbabasa tungkol sa niyog-niyogan, dito pariun sa artikulong ito.

Tradisyunal na mga kapakinabangan ng niyog-niyogan

Ayon sa Department of Health, ang niyog-niyogan ay nagtataglay ng sumusunod na mga kakayahan sa kalusugan ng isang tao:

Una, may kakayahan itong palabasin ang mga bulate at iba pang parasito sa tiyan ng tao. Ang buto ng niyog-niyogan ay pinatutuyo at kinakain bilang gamot. Ang rekomendadong dosis nito ay apat hanggang pitong buto sa mga bata samantalang walo hanggang sampong pirasong buto naman para sa mga matatanda.

Pero tandaan: ang paggamit ng pamamaraang ito ay maaari ring magkaroon ng side effects tulad ng pagtatae, pananakit ng tiyan at pag sinok lalo na kung ang mga buto ay kinain ng araw-araw ng walang palya. May side effects din kung ito ay kakainin mo ng hindi pinatuyo.

Ikalawa, ang niyog-niyogan ay sinasabing gamot rin sa pamamaga ng mga bato o kidney. Ang bunga ng halamang gamot na ito ay sinasabing gamot sa nephritis o pamamaga ng bato.

Gamot din ito sa pigsa at ulcer sa balat. Ang dahon ng niyog-niyogan ay dinidikdik at ipinapahid sa apektadong balat bilang gamot sa pigsa at skin ulcer.

Ang niyog-niyogan ay lunas din sa sakit ng ulo kapag ang dahon nito ay ipinatong sa ulo kung ito ay masakit.

Bagaman nasabi na natin na side effect ng pagkain ng buto ng niyog-niyogan ang pagtatae, ang bunga ng halamang gamot na ito ay lunas sa pagtatae at lagnat kapag ito ay hinog na at inihaw sa baga.

Masakit ba ang iyong pag-ihi? Ang pinakuluang dahon ng niyog-niyogan ay gamot sa masakit nap ag-ihi kung ito ay iinumin bilang tsaa.

Isa pa sa kamangha-manghang kakayahan nito ay ang anti-cancer property na nasa halamang gamot na ito. Ayon sa pananaliksik ng mga dalubhasa, ang niyog-niyogan ay may tatlong sangkap na may kakayahang patayin o pabagalin ang pagkalat ang tumor.

Tamang dami at paggamit ng niyog-niyogan

Bago natin pag usapan kung ano baa ng tamang dosis o tamang paggamit ng halamang gamot na ito, sagutin muna natin ang tanong kung saan ng aba pwedeng kumuha o bumili ng niyog-niyogan.

Bueno, ang niyog-niyogan ay nabubuhay sa mga kagubatabn ng mga bansang nasa timog silangang Asya, subalit ito ay maaaring alagaan bilang halamang ornamental dahil sa taglay nitong kagandahan at makukulay na mga bulaklak. Pwede kang makabili ng niyog-niyogan bilang ornamental na halaman sa inyong mapagkakatiwalaang supplier.

Kung naghahanap ka naman ng pinatuyong dahon o buto ng niyog-niyogan, makabibili ka sa alin mang Chinese medicine store na malapit sa inyo.

Paghahanda ng niyog-niyogan bilang halamang gamot

Siguraduhin mong ang pagkukunan mo ng niyog-niyogan ay malayo sa kalsada na dinaraanan ng mga sasakyan o sa basurahan. Napag-alaman kasi ng mga dalubhasa na karamihan sa mga halamang gamot ay may kakayahang sumipsip ng mga mapaminsalang kemikal sa lupa o sa hangin. Kaya kung ang mga ito ay nakatanim sa tabi ng kalsada, sinisipsip nito ang polusyon sa hangin na maaaring maipasa saiyo kung ito ay iyong gagamitin bilang gamot. Kapag ito naman ay nakatanim sa basurahan, sisipsipin nito ang mga mapaminsalang kemikal tulad ng heavy metals na maaaring maging sanhi ng mga nakamamatay na sakit tulad na lamang ng kanser. Kaya kung naghahanap ka ng mapagkukunan ng halamang gamot, laging tandaan na kailangan mo ng ibayong pag-iingat.

Kung tiyak mo na malinis ang iyong halamang gamot, pwede mo nang sundan ang mga sumusunod na mga pamamaraan.

Para bulaklak ng niyog-niyogan

  • Magtatad o maghiwa ng isang kutsara ng bulaklak ng niyog-niyogan
  • Haluan ito ng dalawang tasa ng kumukulong tubig sa loob ng sampu hanggang labinlimang minuto
  • Pagkatapos, salain ito ng maayos
  • Hayaan itong lumamig at uminom ng dalawa o tatlong tasa nito araw-araw.
  • Gumawa ng bagong tsaa ng niyog-niyogan kung kailangan
  • Pound or cut about a tablespoon of flowers of niyog-niyogan
  • Kung ang mga sintomas ng iyong sakit ay hindi mawala o kaya naman ay nakaramdam ka ng anumang uri ng iritasyon o side effects, itigil moa ng pag inom ng halamang gamot at sumangguni agad sa doktor mo.

Para sa bunga ng niyog-niyogan

Ang bunga ng halamang gamot na ito ay pwedeng kainin, kaya pwede mo itong kainin ng hilaw, inihaw o niluto. Maaari itong kainin araw-araw. Pero tandaan, may mga side effects na maaaring kaakibat ang pagkain nito, tulad na lamang ng pagtatae o pananakit ng tiyan.

Mga babala at side effects ng paggamit ng niyog-niyogan

Kung tama ang pagkaka-prepara at kaunti lamang ang pagkain ng bunga nito, ang niyog-niyogan ay safe na araw-arawin.

Pero tandaan: kung ito ay kakainin na lampas sa irenekomendang dami o kaya naman ang bunga nito ay kinain ng sunod sunod na araw at ang bunga ay hindi pinatuyo, malamang na magkaroon ng side effects ang paggamit ng halamang gamot na ito. Pwede kang ma over dose at maaari kang makaranas ng sumusunod na mga side effects:

  • Pagsinok
  • Pagtatae na may kasamang pananakit ng tiyan
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Pagkawala ng malay

Para sa mga nanay na nagpapasuso: wala pang sapat na pag-aaral na tumitiyak ng mga side effects na naipapasa sa mga sanggol. Pero para makasiguro, mag iwas sa sobrang pagkonsumo ng halamang gamot na ito kung ikaw ay buntis o kaya ay nag papasuso.

May mga pagkakataong ang paggamit ng niyog-niyogan sa balat ay nagiging sanhi allergy sa balat.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Niyog-niyogan: Mabisang Halamang Gamot ng mga Pinoy
Rate this post