nandito ka
Gamot sa Nerbyos: Paano Mawala ang Nerbyos? Halamang Gamot sa mga Sakit 

Gamot sa Nerbyos: Paano Mawala ang Nerbyos?

Ang artikulong ito ay sasagot sa mga katungan tungkol sa nerbyos o anxiety attacks. Tatalakayin dito kung ano ang nerbyos, ano ang gamot sa nerbyos at mga halamang gamot sa nerbyos.

Ano ang nerbyos?

Ang nerbyos ay isang kundisyon ng isip. Ang isang taong may nerbyos ay nakararamdam ng pagkabahala o takot sa mga bagay na totoo at kathang isip na maaaring maganap na inaakala ng pasyente na magiging nakakatakot.

Sa madaling salita, kung tayo ay lubahang nag-aalala o natatakot sa isang bagay na maaaring makapanakit sa atin sa paanuman, ang matinding takot na iyan ay malamang na pagmulan ng nerbyos.

Kapag tayo ay nababahala o nerbyos, wika nga, an gating katawan ay nagpapalabas ng mga hormone na tugon sa stress na ating nararamdaman. Ang tugon na iyan ay dinisenyo para bigyan tayo ng extrang lakas kung iniisip natin na tayo ay nasa panganib. Ito ay maaaring magdulot ng iba ibang pisikal, mental at emosyonal na mga pagbabago sa kakayahan ng katawan na harapin ang tinitingnang panganib.

Ang sukat ng tugon na ito (stress response) at ang piskal, mental at emosyonal na mga pagbabago ay kasuwato ng lala ng nerbyos o pagkabahala na ating nararamdaman. Halimabawa, kung ikaw ay bahagyang nag-aalala tulad ng nararamdaman mo kung may kakausapin kang tao na hindi mo pa nakikilala, ang iyong katawan ay magpapalabas ng kakaunting stress response. Ito ay kakaunti lamang na kung minsan, halos hindi mo nga namamalayan.

Samantala, kung ikaw ay talagang natatakot, halimabawa ay may pumasok na mga masasamang loob sa bahay mo, ang iyong katawan ay magpapalabas ng isang pangmalakihang tugon tugon. Nakakaranas tayo ng ganyang uri ng tugon o stress response kung tayo ay inaatake ng nerbyos, ang mga pagbabago sa ating katawan ay napakalakas anupa’t nakukuha nito an gating buong atensyon. Mas malaking tugon ng katawan sa kaigtingan, mas malaki ang mga pagbabagong ating mararanasan.

Ang nerbyos o anxiety o panic attack ay isang yugto ng napakataas na stress response na sanhi o may kasamang matinding pagkabahala. Karamihan sa mga taong inaatake ng nerbiyos ay takot na takot o pinahihirapan ng pangmatagalang stress.

Ikaw ay may nerbyos kung ang iyong anxiety o panic attack ay nakaka abala na o nakaka istorbo na sa pang araw araw na mga gawain mo.

Gamot sa nerbyos

Kahit sino sa atin ay may kakayahang matuto na pigilan o iwasan ang pag-atake ng nerbyos. Kailangan mo lang maintindihan kung ano ang nerbyos, ano ang gamot sa nerbyos at kung paano ito mahihinto at maiiwasan. Karamihan sa mga tao na nakakaranas ng nerbyos ay pinahihirapan nito sapagkat hindi nga nila alam kung ano ito, kaya naman, kinatatakutan nila ng lubos ang pagkakaroon nito. Ang sobrang pagkatakot sa mga maaaring mangyari ay siyang pinagmumulan ng pag atake ng nerbyos. Kaya, mas marami kanga lam tungkol sa sakit na ito, mas madali mong malalabanan ang nerbyos.

Kailangan mong magbigay ng panahon para makilala mo ng lubos ang iyong sarili, at kung ano ang mga bagay na iyong kinatatakutan. May mga impormasyon ding makukuha sa mga libro at internet kung paano mo matutulungan ang iyong sarili na ikundisyon ang iyong isipan kapag ikaw ay inaaatake ng nerbyos. Kaya, magbigay ka ng panahon para paunalarin ang iyong kaalaman tungkol sa sarili mo, kung ano ang iyong mga kalakasan at mga kahinaan o mga limitasyon, pati na rin ang pagbabasa ng mga karanasan ng mga taong naging matagumpay sa paglaban sa sakit na nerbyos. Pwede mong pag-aralan at isaisip ang kanilang mga mungkahi na pwede mong gamitin sa personal mong buhay.

Kaya ka ba nandito dahil sa ikaw o ang isa sa mga kapamilya mo ay pinahihirapan ng pag-atake ng nerbyos? Sa ngayon, narito ang simpleng mga tips na makakatulong para malabanan mo at maiwasan ang mga sintomas ng nerbyos.

Huminga ng maayos. Ang paghinga sa tulong ng iyong diaphragm o tiyan ay makakatulong na mabawasan ang pagkabahala o pagkatakot na nararanasan.

Pakalmahin ang iyong sarili. Ang pagpapakalma sa sarili mo ay makakatulong din na matapos na ang nerbyos sa mismong oras ng pag-atake. Kung hindi mo makontrol ang iyong sarili at mapakalma ito, subukan mo pa ang ilan sa mga mungkahing nakalista dito. Sa panahon na panatag na ang iyong kalooban at isip, pag-aralan ang mga bagay na pwedeng makapagpakalma sa iyo.

Irelax ang iyong katawan hangga’t maaari. Ang pagrelas ng iyong katawan ay makatutulong na mahinto o mabawasan ang pagpapalabas ng katawan mo ng stress response. Kapag ang tugon na ito ng katawan ay mahinto o mabawasan, makakatulong ito para humupa na ang iyong nerbyos.

Maglakad lakad ka muna. Ang paglalakad-lakad o pamamasyal ay nakatutulong na mahinto ang pagpapalabas ng katawan mo ng stress response.

Mag isip ng positibo. Laging tandaan na ang pagkakaroon ng nerbyos ay hindi naman nakakasira. Sadyang napakalas lamang nito anupa’t kaya nitong baguhin nang iyong pag-iisip at galaw sa kasalukuyan. Tandaan din na ang pag-atake ng nerbyos ay palaging natatapos lang naman. Habang kinakalma moa ng iyong sarili, mas lumiliit ang posibilidad na ang iyong mga pangamba ay mauwi sa nerbyos.

Bawasan ang stress, dagdagan ang pahinga at bigyang panahon ang iyong katawan na kumalma. Habang ikaw ay mas relax, malumiliit ang na ang iyong pagiging takot at balisa ay mauwi sa anxiety attack.

Ang pinakamahalagang gamot sa nerbyos? Huwag mo nang takutin ang iyong sarili ng mga bagay na pinangangambahan mong mangyari. Ang sobrang pangamba ay siyang kauna-unahang dahilan ng pag-atake ng nerbyos. Ang paghahanap ng paraan para mabawasan ang iyong mga pangamba ay isang mabisang paraan na maiwasan ang pagkakaroon ng nerbyos o panic attack.

Huwag din hayaang sumobra ang stress na iyong nararamdaman. Ang totoo, ang stress ay kailangan din upang maprotektahan an gating mga sarili sa nakaambang panganib. Gamit din ito upang maisagawa natin ang ating mga pananagutan sa maayos na paraan. Ngunit huwag itong hayaan na mauwi sa panic disorder. Makakatulong ang pagkakaroon ng mga kaibigang masasabihan ng iyong mga pangamba, pwede silang gumawa ng paraan na masolusyunan ang mga kinatatakutan mo kung hihingi ka sa kanila ng tulong.

Halamang gamot sa nerbyos

Kung ang hanap mo ay halamang gamot sa nerbyos, hindi ka makakakuha ng tiyak na sagot. Pero napag-usapan natin sa unahan ng artikulong ito na kung ikaw ay may nerbyos, kailangan mo ng sapat na tulog o pahinga. Diyan pumapasok ang mga halamang gamot na pwede mong gamitin bilang aroma therapy.

Ang dahon ng suha ay nagtataglay ng aroma o amoy na nakakatulong na matanggal ang stress at pagkabahala. Magpakulo ka ng isang kaldero ng tubig at ihalo moa ng pito o walong piraso ng dahon ng suha. Kapag naging berde na ang tubig, ihalo moa ng kumukulong tubig sa isang batya ng tubig. Timplahin mo ang init nito. Kung kaya ng iyong balata ng init, ipaligo ang iyong tinimpla. Gawin mo ang pamamaraang ito sa gabi, 30 minuto bago ka mahiga at matulog.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Nerbyos: Paano Mawala ang Nerbyos?
3.4 (67.5%) 8 votes