nandito ka
Halamang Gamot na Makabuhay: Mga Pakinabang at Side Effects Mga Halamang Gamot 

Halamang Gamot na Makabuhay: Mga Pakinabang at Side Effects

Ang artikulong ito ay tatalakay sa mga pakinabang ng makahiya bilang isang pantanging halamang gamot. Sa bandang huli ng talakayan, pag-uusapan din nating ang mga babala at posibleng side effects ng paggamit ng halamang gamot na ito.

Ang mga tangkay ng makabuhay ay siyang pangunahing sangkap sa paglaga ng isang formula na panlaban sa sakit na malaria. Ito rin ay ginagamit bilang panghugas sa sugat sa balat o skin ulcer. Ang mga pagsusuri ay nagpapakita na ang nilagang tangkay ng makahiya ay nakagagamot sa mga karamdaman tulad ng pagtatae, impacho at galis. Ito ay maaari ring gamitin bilang ointment o pamahid laban sa sakit na dala ng rayuma.

Pero bilang babala, ang paggamit ng makabuhay ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga taong may sumusunod na mga kundisyon:

  • Mga batang wala pang tatlong taong gulang
  • Mga nagdadalang tao
  • Mga nagpapasuso
  • Mga pasyenteng may typhoid fever
  • Mga pasyenteng may pulmonya
  • Mga pasyenteng may sakit sa puso

Bakit kailangan ng mga naturang pasyente na umiwas sa pag-inom ng makabuhay? Sapagkat ang kanilang mahinang pangangatawan o kalusugan ay maaaring matalo ng malakas na sangkap na nasa makabuhay kaya kailangan ng ibayong pag-iingat.

Mga pakinabang ng makabuhay bilang halamang gamot

Ang makabuhay ay matagal nang ginagamit ng ating mga ninuno sa paggamot ng iba’t ibang uri ng mga karamdaman.

Halimbawa, ang mga ugat ng makabuhay, kasama na ang mga dahon at tangkay nito ay ginagamit bilang herbal na lunas laban sa lagnat at malaria. Ang dahon at ugat ng makabuhay ay dinidikdik at ihinahalo sa malamig na tubig. Ito ay inilalagay sa malinis na tela at ipinampupunas sa kilikili, noo, leeg at iba pang bahagi ng katawan para pababain ang temperatura ng katawan.

Ang nilagang makabuhay ay gamot din sa pananakit na dala ng pamamaga tulad ng sa arthritis, gout at rayuma sa pamamagitan ng pagpapakalma ng sakit at pamamaga.

Ang makabuhay ay ginagamit ding gamot sa mga sakit sa balat tulad ng alipunga at galis. Ang paggamit nito ay nakapagpapabilis ng paggaling ng sugat at nakapagpapakalma ng pangangati ng balat.

Ang katas ng makabuhay ay pinaniniwalaang nagtataguyod ng pangkalahatang magandang kalusugan, nagpapaunlad ng memorya, nagpapaganda ng kutis at nagbibigay ng lakas.

Tulad nang nabanggit na, ang katas ng makabuhay ay gamot laban sa lagnat at malaria.

Ang halamang gamot na makabuhay ay gamot din sa mga sakit ng tiyan tulad ng pagtae, acid sa tiyan, pananakit ng tiyan, kabag o hangin sa tiyan, pagsusuka, dispepsiya, disentirya, kahirapan sa pagdumi, kawalan ng gana sa pagkain, maging ang pagkakaroon ng bulate sa tiyan.

Ang talagang napakaganda sa makabuhay, ito pala ay nakagagamot din ng mga pang matagalang sakit tulad ng diabetes, sakit sa puso, hepatitis, pagiging baog, TB at paninilaw!

Paghahanda sa halamang gamot na makabuhay

Nabanggit na natin sa artikulong ito na ang makabuhay ay isang pambihirang halaman sapagkat ito ay nagpapagaling ng iba’t ibang uri ng mga sakit. Kaya, ang paggamit, pag hahanda, paraan ng pag-inom, at dami ng iinumin ng halamang gamot na makabuhay ay iba iba rin depende na rin sa dahilan kung bakit mo ito iinumin. Halimbawa, kung gagamitin mo ang makabuhay para sa rayuma, kailangan mong tadtarin ang mga tangkay nito. Iminumungkahi na ang tinadtad na makabuhay ay dapat na kalahating baso at ito ay iluluto ng limang minuto sa isang basong langis ng niyog. Pagkatapos, kailangang ihiwalay ang tinadtad na mga tangkay at ihahalo ang kalahating baso ng ginayat na kandila. Pagkatapos na matunaw at lumamig na ang kandila, ang ointment na nagawa mo ay maaari nang ipahid sa katawan ng pasyente, sa loob ng tatlong magkakasunod na mga gabi. Tandaan lamang, hindi po ito maaaring ipahid sa mukha dahil ito ay nakasisira sa sensitibong bahagi ng balat.

Kapareho din ang paghahanda ng halamang gamot na makabuhay kung ito ay iyong gagamitin bilang pamatay sa mga bulate sa tiyan o pamurga. Ganyan din ang gagawin mo kung ang makabuhay ay plano mong gamitin bilang gamot sa lagnat na dala ng malaria. Pero, tandaan na imbes na iprito ang tinadtad na tangkay, ito ay dapat na pakuluan sa tubig. Sa paghanda ng nasabi nang formula, maghanda ka ng 30 gramo ng bagong kuha na tangkay ng makabuhay, 25 gramo kung ito ay pinatuyo. Pakukuluan mo ito sa tatlong tasa ng malinis na tubig sa loob ng 20 minuto. Pakatapos, kunin moa ng katas sa pamamagitaqn ng pagsala nito, na inaalis ang mga tangkay sa katas na siyang gagamiting panggamot sa mga karamdamang nabanggit na natin. Ang katas ay dapat na inumin, kalahating tasa bawat inuman, dalawang beses bawat araw bago ang una at huling pagkain araw araw. Tulad ng iba pang mga halamang gamot, kailangan mong bantayan ang resulta ng iyong pag-inom. Kung mapansin mong may kakaibang kumplikasyon saiyo ang makabuhay, o kaya ay wala namang pagbabago sa mga sintomas na nararanasan mo samantalang ilang araw ka nang umiinom o gumagamit nito, kailangan mong ihinto agad ang paggamit at kumunsulta sa doktor.

Babala at side effects ng paggamit ng makabuhay bilang halamang gamot

Ang makabuhay kung ginagamit bilang halamang gamot ay kadalasang ipinbapahid sa katawan o kaya ay iniinom. Narito ang ilan sa mga babala ng posibleng pagkakaroon side effects sa paggamit ng makabuhay:

Para sa mga buntis o nagpapasusong ina: wala pa namang sapat na pag-aaral ang nagsasabi na ang paggamit ng makahiya ay may masamang epekto sa pagbubuntis. Hindi pa naman matukoy kung ang sangkap na nasa makahiya ay naipapasa ng nagpapasusong ina sa kanyang sanggol. Pero ayon sa mga dalubhasa, mas mabuti na ang pasiguro. Huwag munang gagamit ng halamang gamot na ito kung ikaw ay nagdadalang tao o nagpapasuso.

Mga taong may sakit na diabetes: Ang makabuhay ay kilalang halamang gamot na nakapagpapababa ng blood sugar ng pasyenteng may diabetes. Pero, kailangan mong maging maingat sap ag inom nito lalo na kung dati ka nang umiinom ng gamot sa diabetes. Dapat na sumangguni ka muna sa doktor ng sag anon ay maiadjust niya ang dosage ng gamot na dati mo nang iniinom bago ka gumamit ng makabuhay.

Mga pasyenteng sasailalim sa operasyon: Tulad nang nabanggit na, ang makabuhay ay maaaring makaapekto sa antas ng blood sugar ng isang pasyente. Kaya kung ikaw sasailalim sa isang opersyon, tandaan na ang paginom ng makabuhay ay maaaring makaapekto sa blood sugar mo habang o pagkatapos ng iyong operasyon. Kaya para sigurado kang hindi magkakaroon ng aberiya ang iyong pagpapaopera, mas makabubuting tigilan mo muna ang pagggamit ng makabuhay dalawang linggo bago ka magpaopera.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Halamang Gamot na Makabuhay: Mga Pakinabang at Side Effects
Rate this post