nandito ka
Hirap sa Pagdumi: Mabisang Halamang Gamot sa Constipation Halamang Gamot sa mga Sakit 

Hirap sa Pagdumi: Mabisang Halamang Gamot sa Constipation

Bagaman hindi nakamamatay, ang pagkakaroon ng constipation o kahirapan sa pagdumi ay maaaring magdala ng labis na kahirapan sa iyo. Dahil nandito ka sa page na ito, malamang na naghahanap ka ng gamot sa constipation. Oo, marami namang gamot sa constipation na mabibili sa botika, pero karamihan sa mga ito ay gawa rin sa mga halamang gamot.

Ang artikulong ito ay tatalakay sa kilalang mga halamang gamot sa constipation. Naglista rin kami ng mga pagkaing mayaman sa fiber na makatutulong na mapabuti ang iyong pagdumi.

Halamang gamot sa constipation

Psyllium. Ang psyllium ay isang halamang gamot na nagtataglay ng fiber kaya ito ay itinuturing na natural na laxative. Ginagamit ito bilang gamot sa chronic constipation at maaaring gamitin kasabay ng iba pang mga laxative maging herbal man o sintetiko. Tandaan lamang, ang psyllium ay maaaring maging sanhi ng allergy, pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Senna. Ang senna ay isa pang halamang gamot sa constipation. Ito ay ginagamit na pampadumi para linisin ang bituka bago ang partikular na medikal na operasyon. Ang bunga ng halaman na ito ay sinasabing mas banayad ang epekto kumpara sa dahon. Tandaan na ang senna ay hindi pwedeng gamiting pang matagalan dahil sinasabing maaari itong makasira sa atay.

Olive oil. Ang olive oil ay hindi lamang kapakipakinabang sa kusina, ito rin ay ginagamit bilang natural na lunas sa iba’t ibang uri ng mga karamdaman. At dahil sa madulas na texture ng olive oil, ginagamit din ito bilang epektibong halamang gamot sa constipation. Pinasisigla nito ang aktibidad ng sistemang panunaw at pinabibilis ang paggalaw ng mga dumi na nasa colon. Ang regular nap ag inom nito ay nakakatulong na makaiwas sa kahirapan sa pagdumi.

Uminom ng isang kutsara ng olive oil tuwing umaga. Mas epektibo ito kung wala pang laman ang iyong tiyan, kaya inumin mo ito bago ka kumain o uminom ng anuman. Kung nakalimutan mong uminom, maghintay ka hanggang sa wala nang laman ang tiyan mo. Pwede mo itong haluan ng kaunting kalamansi para bahagyang mabawasan ang lasa ng olive oil. Kung sabagay, ang kalamansi ay isa pang epektibong lunas sa constipation.

Kalamansi. Ang citric acid na nasa kalamansi ay nakapagpapabilis ng proseso ng sistema ng panunaw ng tao. Nakakatulong din ito na mailabas ang mga toxins at hindi natunaw na mga pagkain na dumikit at naipon sa colon.

Kunin ang katas ng ilang pirasong kalamansi at ihalo sa isang tasa ng maligamgam na tubig. Uminom nito araw araw.

Kape. Maraming tao ang natutuwa sa pag inom ng kape lalo na sa umaga. Pero alam mo ba na bukod sa nakapagpapagising ito, ang kape ay nakapag papabilis din ng mga proseso sa tiyan anupa’t nakakatulong upang maibsan ang kahirapan sa pag dumi? Huwag mo lang itong abusuhin dahil ang sobrang kape ay nakasasama rin sa kalusugan.

Pagkaing mayaman sa fiber

Palagi nating naririnig na ang pagkain ng natural na mga pagkain ay nakatutulong na magkaroon ng magandang kalusugan at makaiwas sa constipation. Ito ay dahil sa alam ng ating katawan kung paano epektibong ipoproseso ang mga pagkaing mayaman sa fiber tulad prutas, gulay at mga butil kumpara sa artificial na mga pagkain. Ang natural na mga pagkain ay sadyang mayaman sa fiber na nakakatulong na labanan ang constipation.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Hirap sa Pagdumi: Mabisang Halamang Gamot sa Constipation
4 (80%) 1 vote