nandito ka
Apat Na Mabisang Halamang Gamot Para Sa Highblood Halamang Gamot sa mga Sakit 

Apat Na Mabisang Halamang Gamot Para Sa Highblood

Ang high blood o altapresyon ay karaniwang sakit ng mga Pilipino. Ikaw ba ay may high blood? Naglista kami ng ilang halamang gamot sa high blood na maaaring makatulong saiyo na maiwasan ang mga kumplikasyong dala nito.

Uminom ng gumamela para iwas high blood

Ang iba’t ibang kultura sa buong mundo ay naniniwala sa kakayahan ng halamang gumamela na pababain ang presyon ng dugo sa natural na paraan, kahit na wala pa noong sapat na mga pag aaral para patunayan ito. Kamakailan lamang ito napatunayan. Ayon sa mga pananaliksik, ang hibiscus o gumamela ay isang diuretic, o pampaihi, na inaalis ang sobrang asin sa dugo. Dahil sa epekto nito, nababawasan ang kaigtingan sa mga ugat na dala ng high blood.

Ang gumamela ay may sangkap ding kung tawagin ay angiotensin converting enzyme (ACE) inhibitors, enzyme na nagpapakalma sa mga ugat.

Kumuha ng 3 hanggang 5 piraso ng dahon ng gumamela, 2-3 kutsarita kung ito ay tuyo. Pakuluan ito sa loob ng limang minuto. Lagyan ng honey para may lasa. Kung tag-init, mas masarap ito kapag may yelo. Inumin ng dalawa o tatlong beses kada araw.

Sabaw ng niyog, halamang gamot para sa highblood

Ang sabaw ng niyog, lalo na kung ito ay hilaw pa ay kapakipakinabang sa napakaraming paraan. Ang maganda, nakapagpapababa ito ng presyon ng dugo. Ang sabaw ng niyog ay nagtataglay ng potassium at magnesium na nagpapalusog ng mga kalamnan, kasama na ang puso. Bagaman kulang pa ang mga pananaliksik may kauganayan sa sabaw ng buko at high blood, may mga taong naniniwala na ang pag inom ng sabaw nito ay siyang dahilan ng pagbaba ng kanilang presyon. Kung ikaw ay may high blood, wala namang mawawala saiyo kung susubukan moa ng pag inom ng buko araw araw.

Kumain ng bawang para sa highblood

Ang bawang ay isa sa pinakasikat kung lunas sa mga karamdaman ang pag uusapan. Ang mga sangkap nito ay lunas sa iba’t ibang mga sakit kasama na ang highblood. Ang allicin ay nakapagpapababa ng highblood. Kaya ang pagkain ng hilaw na bawang ay malusog na ugali.

Ngunit tandaan, bukod sa ang bawang ay mabaho sa hininga, ang allicin na nasa bawang ay napaka unstable, ibig sabihin, nag babago agad ang epekto nito kapag ito ay tumama sa sikmura ng tao. Kaya’t may mga nagsasabi na ang bawang ay epektibong gamot sa highblood kapag ito ay nasa tableta o kapsula na. Kumunsulta sa iyong doktor kung anong brand ng garlic pill o garlic supplement ang babagay sayo.

Melon: halamang gamot sa high blood

Noong taong 1914, natuklasan ng mga siyentista ang sangkap ng melon na citrulline na nakapag papakalma ng mga baradong ugat at nakapagpapabawas ng presyon ng dugo. Kaya kung ikaw ay may highblood, bumili ka ng melon kahit hindi pa tag-init dahil makakatulong ito saiyo. Kumain ng dalawa hanggang tatlong cup ng melon tuwing umaga, mas maganda kung wala pang laman ang iyong sikmura. Kung ikaw ay may device na pang basa ng blood pressure, obserbahan moa ng iyong BP at mapapansin mong maganda ang epekto ng pagkain ng melon araw-araw.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Apat Na Mabisang Halamang Gamot Para Sa Highblood
3.7 (74%) 10 votes