nandito ka
Halamang Gamot Pamparegla: Mabisang Solusyon Para Sa Hindi Regular na Dalaw Halamang Gamot sa mga Sakit 

Halamang Gamot Pamparegla: Mabisang Solusyon Para Sa Hindi Regular na Dalaw

Ang hindi regular na regla, na kung tawagin ay oligomenorrhea, ay isang pangkaraniwang problema sa mga kababaihan. Ito ay kadalasang tumutukoy sa pagiging irregular ng buwanang dalaw na may pagitan ng mahigit 35 araw.

Ang normal na siklo ng regla ay maaaring mula 21 hanggang 35 araw. Ang pagdurugo tuwing regla ay kadalasang tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw. Ang mga kababaihan sa pangkalahatan ay may 11 hanggang 13 regla kada taon, ngunit ang mga taong may hindi regular na dalaw ay may kaunting bilang ng regla, na kung minsan ay mas mababa pa sa anim na regla kada taon.

Ang mga babaing hindi regular ang regla ay nakakaranas ng pabago-bago ng haba ng paghihintay kung kailang ang sunod nilang regla, haba ng araw ng pagdurugo, o abnormal na dami ng lumalabas na dugo, bagaman mas marami o mas kaunti kaysa sa normal.

Ganito rin baa ng problema mo? Naglista kami ng ilang halamang gamot pamparegla.

Luya, para sa irregular na regla

Ang luya ay kapakipakinabang para gawing regular ang regla at pakalmahin ang pananakit na dala nito. Kung ikaw ay palaging naghihintay na datnan ng regla, ang luya ay isa sa mga kasagutan para masolusyonan ang iyong problema.

Maglaga ng isa at kalahating kutsarita ng dinikdik na luya sa isang tasa ng tubig sa loob ng limang minuto. Lagyan ng kaunting asukal. Inumin ito ng tatlong beses kada araw tuwing pagkatapos kumain. Gawin ito sa loob ng isang buwan o mahigit pa.

Aloe Vera, pamparegla!

Ang aloe vera ay isa pang mabisang tulong para solusyunan ang problemang regla sapagkat ito ay may kakayahang gawing normal ang balanse ng iyong mga hormones.

Kunin ang gulaman ng dahon ng aloe vera. Haluan ito ng honey. Kainin ito araw araw bago kumain ng agahan. Gawin ito sa loob ng tatlong buwan.

Tandaan: Huwag gagawin tuwing may regla.

Halamang gamot pamparegla? Hilaw na papaya!

Ang berde, hilaw na papaya ay may kakayahang ayusin ang iyong regla. Ito ay itinuturing na kapakipakinabang sa pagpapanatiling malusog ng iyong buwanang dalaw sapagkat kaya nitong pasiglahin ang paghilab ng iyong matris.

Kung ikaw ay may problema sa regla dahil ikaw ay malapit nang magmenopause o kaya naman ay may matinding stress, uminom ka ng juice na gawa sa hilaw na papaya araw-araw sa loob ng ilang buwan. Subalit tandaan: huwag gagamit nito kung ikaw ay may regla.

Luyang dilaw para sa malusog na buwanang dalaw!

Ang luyang dilaw, turmeric ay isang sikat na halamng gamot, ito rin ay itinuturing ng marami na mabisang halamng gamot pamparegla dahil ito ay may kakayahang balansihin ang iyong mga hormones. May kapangyarihan din itong ibsan ang anumang sakit na dala ng regla.

Uminom ng gatas o honey na may halong isang kapat na kutsara ng luyang dilaw. Gawin ito araw-araw sa loob ng ilang linggo hangang makakita ng magandang pagbabago.

Pwede ka namang bumili at uminom ng food supplement na may turmeric. Magtanong sa doktor kung ano ang atamang doses para saiyo.

Karagdagan pa sa mga halamang gamot na nabanggit, subukang magrelax at magkaroon ng emosyonal at pisikal na balanse. Kung ikaw ay dati naman may regular na dalaw ngunit napansin mo nitong mga nakaraan ay nagbabago na ang iyong regla, kumunsulta sa doktor para sa tamang pagsusuri lalo na kung ikaw ay lampas na sa edad na 40.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Halamang Gamot Pamparegla: Mabisang Solusyon Para Sa Hindi Regular na Dalaw
4.1 (82.5%) 8 votes