nandito ka
Halamang Gamot Para Sa Sakit Na Goiter Halamang Gamot sa mga Sakit 

Halamang Gamot Para Sa Sakit Na Goiter

Paalala: Ang sakit na goiter ay isang seryosong karamdaman. Mangyaring magpatingin muna sa doktor bago gumamit ng halamang gamot sa goiter.

Ang goiter ay isang sakit na dulot ng pamamaga ng thyroid gland, na matatagpuan sa may lalamunan. Opo, ang goiter ay sakit sa thyroid pero hindi naman nangangahulugan na kung ikaw ay may goiter, hindi na gumagana ang iyong thyroid gland.

Ang goiter ay maaaring tumama sa isang tao kapag ang thyroid gland ay nagpapalabas ng sobrang dami ng hormones. Ang kundisyong ito ay tinatawag na hyperthyroidism. Goiter din ang tawag kapag ang thyroid gland ay nagpapalabas ng kakaunting hormones, na tinatatawag na hypothyroidism. Ang paglaki ng goiter ay isang palatandaan na may mali sa thyroid gland at ito ay nangangailangan ng agarang medikal na atensiyon.

Ang kakulangan sa iodine ay siyang pangunahing sanhi ng goiter. Sa katunayan. 90% ng mga kaso ng sakit na ito ay dahil sa kakulangan sa goiter.

Sinu-sino ba ang mga nanganganib na magkaroon ng goiter? Kahit sino ay maaaring magkaroon nito. Subalit mas madalas na magkaroon nito ang mga taong may kapamilyang may goiter. Ang mga babaeng nasa 40 taon gulang at malapit nang mag menopause ay mas nanganganib din na magka-goiter. Maaari ring magkasakit ang mga taong kadalasang nahahantad sa radiation.

Karamihan sa mga kaso ng goiter ay gumagaling sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng panggagamot, depende sa laki at mga sintomas na kasama nito.

Kasabay ng mga gamot na irineseta ng doktor, may mga halamng gamot sa goiter na maaari mong subukan kahit nasa bahay ka lang. Makakatulong ang mga halamang gamot na ito para mabawasan ang mga sintomas ng goiter.

Bawang para sa goiter

Ang bawang ay isang sikat na sangkap kapwa sa pagluluto at panglunas sa mga karamdaman. Pinalalakas ng bawang ang produksiyon ng glutathione sa katawan ng tao. Ang glutathione ay kailangan para maging malusog ang thyroid gland. Nakakatulong din ang bawang para mabawasan ang pamamaga ng leeg.

Mag-nguya ng tatlo hanggang apat na piraso ng bawang tuwing umaga. Maaari kang magdagdag ng bawang sa iyong mga lutuin. Kung hindi mo gusto ang lasa ng bawang, pwede kang bumili at uminom ng garlic supplements. Magtanong sa doktor kung ano ang tamang doses na hiyang saiyo.

Green tea: gamot sa goiter

Ang mga dalubhasa sa larangan ng natural na panggagamot ay naniniwala sa kakayahan ng green tea na lunasan ang goiter. Ang green tea ay sagana sa antioxidants at natural na fluoride na nakakapagpalusog sa thyroid gland. Ang araw araw na pag-inom ng green tea ay tulong para makaiwas sa sakit na ito. Kung ikaw ay may goiter, makatutulong ang pag inom ng tsaa tatlong beses isang araw.

Lemon balm, lunas para sa pamamaga ng thyroid gland

Bagaman ang lemon balm ay isang halamang banyaga para sa ating mga Pinoy, may mga nagpaparami na ng halamang ito dito sa atin. Bukod sa ito ay isang masarap na sangkap sa pagluluto, pwede pa pala itong gamitin bilang halamang gamot sa goiter. Ang lemon balm ay nakapagpapababa ng produksyon ng thyroid-stimulating hormone na dahilan kung bakit mabisa itong proteksyon para hindi magka goiter.

Tandaan: ang mga taong may glaucoma ay hindi pwedeng gumamit ng lemon balm

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Halamang Gamot Para Sa Sakit Na Goiter
4.4 (88%) 10 votes