nandito ka
Ano ang Gamot sa Tagulabay? Halamang Gamot sa mga Sakit 

Ano ang Gamot sa Tagulabay?

Ang tagulabay ay isang reaksyon sa balat na sanhi ng mapula o maputing mga pantal. Ang mga pantal na dala ng tagulabay ay iba iba ang laki at ang kulay ay kumukupas habang tumatagal ang reaksyon ng tagulabay sa balat.

Kapag tagulabay ang tumama saiyo, ang mga pantak ay maaaring tumagal ng higit sa anim na linggo at pwedeng bumalik pagkaraan ng mga buwan o taon. Ang tagulabay ay kadalasan nang hindi naman nakamamatay subalit ito ay maaaring maging dahilan ng hindi pagiging komportable at pwede itong maging sagabal sa magandang tulog.

Kadalasan, ang sanhi ng tagulabay sa isang pasyente ay mahirap tukuyin. Sa ilang kaso, ang tagulabay ay maaaring sanhi ng isa pang karamdaman, tulad ng sakit sa thyroid o lupus.

Pwede mong subukan ang iba’t ibang gamot sa tagulabay para maibsan ang mga sintomas ng sakit. Para ibang mga pasyente, ang antihistamine at iba pang mga gamot laban sa pangangati ay nagbibigay ng lunas sa kati na dala ng tagulabay.

Sintomas ng tagulabay

Ano nga ba ang sintomas ng tagulabay? Narito ang ilan sa mga palantandaan na ikaw ay pinahihirapan ng tagulabay.

  • Lupon ng mapupula at mapuputing pantal sa mukha, likod, braso at paa
  • Ang mga pantal ay hindi pare pareho ang laki, nagbabago ang hugis at kumukupas habang tumatagal
  • Matinding pangangati
  • Masakit at mahapding pamamaga, lalo na kung ang mga pantal ng tagulabay ay tumubo sa lalamunan, pisngi, labi, kamay at ari.
  • Lumalala ang mga sintomas ng tagulabay na nabanggit kung ikaw ay mahantad sa init, pag-eehersisyp at stress
  • Ang mga sintomas ay bumabalik pagkaraan ng ilang buwan o taon

Sanhi ng tagulabay

Ang mga pantal na dala ng tagulabay ay lumilitaw kapag ang partikular na mga selula ay magpakawala ng histamine at iba pang kemikal sa dugo mo.

Hindi lamang matiyak ng mga doktor ang dahilan ng ganitong uri ng reakyon ng balat, at kung bakit kung minsan ito ay nagiging pangmatagalang problema. Subalit ang reaksyon ng balat ay maaaring matrigger ng sumusunod na mga salik.

  • Gamot sa pananakit
  • Kagat ng mga insekto
  • Impeksyon
  • Pagkamot
  • Stress
  • Init ng araw

Gamot sa tagulabay

Ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda na gamutin ang iyong mga sintomas gamit ang over the counter na mga gamot sa tagulabay tulad ng antihistamine. Kapag ang paraang ito ay hindi umubra, kausapinb ang iyong doktor tungkol sa anu pang ibang uri at kumbinasyon ng gamutan ay magiging epektibo para saiyo.

Kung alam ng doktor ang sanhi ng iyong tagulabay, malamang na subukan niyang gamutin ang sanhi ng pangangati mo. Halimbawa, ang mga tao na may tagulabay ay may namamagang thyroid ay maaaring gamutin muna para mawala ang tagulabay.

Ang pag inom ng antihistamine pills araw-araw ay makatutulong na magamot ang dahilan ng reaksyon sa balat. Ang makabagong mga gamot tulad ng second generation antihistamine ay may mas kaunting side effects tulad ng pagkaantok di gaya ng mga lumang antihistamine.

Halamang gamot sa tagulabay

Ang pangangati na dala ng tagulabay ay maaaring maalis ng mga halamang gamot sa tagulabay. Isa na riyan ang aloe vera na natural na lunas sa tagulabay. Ito ay nagtataglay ng mga sangkap laban sa pamamaga at mikrobyo na nakakatulong na maibsan ang pangangati at pamumula. Kapag ito ay ininom o kinain, ito ay nakakatulong na mapalakas ang immune system na nakakabawas ng pamamaga na dala ng toxins.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Gamot sa Tagulabay?
4.6 (92%) 5 votes