nandito ka
Gamot sa Pagsusuka: Mga Dapat Gawin kung Ikaw ay Nagsusuka Halamang Gamot sa mga Sakit 

Gamot sa Pagsusuka: Mga Dapat Gawin kung Ikaw ay Nagsusuka

Kadalasang mahirap tukuyin kung ano ang dahilan ng pagsusuka. Ang isang doktor ay makatutulong saiyo na malaman kung ano talaga ang dahilan ng iyong pagsusuka. Pwede niyang alamin kung gaano kalala at kadalas magpakita ang mga sintomas. Aalamin niya rin kung ano ang iyong mga nakain at kung ikaw ba ay nakihalubilo sa isang taong may sakit. Ikaw ay sasailalim din sa pisikal na pagsusuri para tukuyin kung ano ang dahilan ng iyong pagsusuka at kung ikaw ay senyales na ng dehydration. Kukunan ka rin ng dugo at ihi at X-ray para makita kung bakit ikaw ay nagsusuka.

Gamot sa pagsusuka

Kung ikaw ay nagsusuka, ang pinakamabuting gamot sa pagsusuka ay ang pag inom ng maraming tubig, Gatorade, o sabaw. Ang pag inom ng juice o softdrinks kung ikaw ay nagsusuka ay dapat na iwasan.

Kumain kung kaya, ngunit kumain ng hindi gaanong marami at hindi maaalat na pagkain. Kung ang iyong pagsusuka ay matagal na, kailangan mong maghanap ng iba’t ibang gulay at protina na hindi masakit sa tiyan para masapatan ang iyong pangangailangan sa nutrisyon.

Umiwas sa pagkain ng mga pinirito at mamantikang pagkain. Huwag magpapasobra ng matatamis na pagkain. Kumain ng kaunti, kainin ito ng marahan. Ugaliiing magpahinga pagkatapos kumain, mahiga na nakaangat ang ulo.

Matapos mong malaman ang sanhi ng iyong pagsusuka, may mga irinirisetang gamot na pwedeng ibigay saiyo ng iyong doktor, o kaya naman kusa na lang na mawawala ang mga sintomas na kasama ng pagsusuka.

Halamang gamot sa pagsusuka

May mga halamang gamot na pwede mong gamitin para sa pagsusuka. Isa na rito ang luya, na gamot din sa ibang uri ng mga sakit. Uminom ka ng salabat o tsaa na gawa sa luya kung ikaw ay nasusuka. Pwede ka namang marahang kumain ng isang maliit na piraso ng luya o candy na gawa sa luya. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa kamakailan, ang luya ay epektibo sa pag-iwas at paggamot sa pagsusuka sa mga buntis at mga pasyenteng sumasailalim sa chemotherapy.

Paano gumawa ng salabat na halamang gamot sa pagsusuka? Pwede kang humiwa ng sariwang luya at ihalo ito sa isang tasa ng kumukulong tubig. Hayaan ito sa loob ng sampung minuto, salain bago inumin.

Pagsusuka: Kailan dapat magbisita sa doktor

Alam mo ba, ang tuloy tuloy na pagsusuka ay maaaring mapanganib at ikamatay ng pasyente? Narito ang ilang mga palatandaan na kailangan mo nang dalhin ang pasyente sa doktor.

  • Dalawang araw ka nang nagsusuka
  • Ang iyong anak ay mahigit 24 oras nang nagsusuka
  • Ang pagsusuka ay pabalik balik sa loob ng isang buwan
  • Ikaw ay nangangayayat dahil sa pagsusuka

Tumawag ng ambulansya at pumunta sa emergency room kung ang iyong pagsusuka ay may kasamang

  • Pananakit ng dibdib
  • Matinding pananakit ng tiyan
  • Paglabo ng paningin
  • Pagkahilo
  • Mataas na lagnat
  • Stiff neck
  • Pagsusuka matapos kumain

Ang mga pangunang lunas na ginagawa sa bahay ay epektibo kung ikaw ay may motion o morning sickness. Ang pagsusuka dahil sa stomach flu o food poisoning ay malamang na mangailangan ng paggamot sa ospital. Tandaan na kung ikaw ay nagsusuka, kailngan mong uminom ng maraming tubig nang makaiwas sa dehydration. Ang pagsusuka ay hindi komportable, subalit kadalasan nang nawawala sa loob ng isa o dalawang araw.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Pagsusuka: Mga Dapat Gawin kung Ikaw ay Nagsusuka
4.5 (90%) 2 votes