nandito ka
Gamot sa Insomnia: Mga Iriniresta at mga Alternatibo Halamang Gamot sa mga Sakit 

Gamot sa Insomnia: Mga Iriniresta at mga Alternatibo

Ang insomnia ay isang pangkaraniwan na sakit sa pagtulog na sanhi ng kahirapan sa pagtulog ng isang pasyente. Kung may insomnia ka, mahihirapan kang matulog na hindi nagagambala o kaya ay magigising ka ng mas maaga at mahihirapan nang matulog ulit. Baka hindi ka pa nakapagpapahinga paggising mo. Kayang agawin ng insomnia hindi lang ang iyong lakas kundi pati na rin ang kalusugan, gana sa pagtatrabaho at kalidad ng pamumuhay.

Ang sapat na oras ng pagtulog ay depende sa tao, subalit karamihan sa mga adulto ay nangangailangan ng pito hanggang walong oras na tulog sa gabi.

May mga pagkakataon na ang isang adulto ay nagkakaroon ng tinatawag na panandalian ngunit acute na insomnia, na maaaring magtagal ng ilang araw hanggang sa ilang linggo. Ito ay karaniwan nang resulta ng stress o ng nakaka traumang pangyayari. Pero ang ilang mga tao ay nakararanas ng pangmatagalan, chronic na insomnia na maaaring magtagal ng ilang buwan o higit pa. Baka insomnia talaga ang pinaka dahilan, pero malamang na ito ay resulta lamang ng iba pang medikal na kundisyon o gamutan.

Ikaw ba ay naghahanap ng mabisang gamot sa insomnia? Hindi mo na kailangan magpuyat pa, ang simpleng mga pamamaraan ay pwede mong gawin para matulungan ka sa problema mo sa pagtulog.

Paano sinusuri ang insomnia?

Depende sa sitwasyon mo, ang paraan ng pagsusuri sa insomnia at ang paghahanap ng pinaka-dahilan nito ay ang mga sumusunod:

Pisikal na pagsusuri. Kung ang dahilan ng insomnia ay hindi matiyak, ang doktor ay maaaring magsagawa ng pisikal na pagsusuri para maghanap ng mga palatandaan ng medikal na mga problema na maaaring konektado sa insomnia. Paminsan-minsan, ang blood test ay maaaring isagawa para makita kung may problema ang thyroid gland o iba pang kondisyon na konektado sa kakulangan sa tulog.

Pag-usisa sa kaugalian sa pagtulog. Karagdagan sa pagtatanong tungkol sa iyong pagtulog, ang doktor ay maaaring magbigay ng isang kumpletong questionnaire para malaman kung ano ang pattern ng iyong pagtulog at ang antas ng iyong pagkaantok sa araw. Baka hingian ka na gumawa ng isang sleep diary sa loob ng ilang linggo.

Sleep study. Kung ang dahilan ng iyong insomnia ay hindi malinaw, o ang mga palatandaan ay tumutukoy sa iba pang sakit sa pagtulog tulad ng sleep apnea or restless leg syndrome, kailangan mong gumugol ng isang gabi para matulog sa isang sleep center. May mga pagsusuring isasagawa para mamonitor at irecord ang mga aktibidad ng katawan kapag ikaw ay tulog, kasama na ang brain waves, paghinga, tibok ng puso, eye movements at paggalaw ng katawan.

Gamot sa insomnia

Ano ba ang mabisang gamot sa insomnia? Ang pagbabago sa sleep habits mo at ang pag bibigay ng solusyon sa iba pang sakit na may kauganayan sa insomnia, tulad ng stress, mga gamot na iniinom ay maaaring ituring bilang gamot sa insomnia. Kung mga ito ay hindi gumana saiyo, ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda ng tinatawag na cognitive behavioral therapy, pag-inom ng gamot, o pareho para magamot ang insomnia.

Irinisetang gamot sa insomnia

Ang mga irinisetang sleeping pills ay makakatulong saiyo na makatulog, manatiling tulog o pareho. Ang mga doktor ay kadalasang hindi nag rerekomenda na umasa na lamang sa sleeping pills sa loob ng ilang linggo, subalit ang ilang mga gamot sa insomnia ay aprobado naman ng mga doktor para sa pangmatagalang paggamit.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Insomnia: Mga Iriniresta at mga Alternatibo
4 (80%) 1 vote