nandito ka
Ano ang Gamot sa Impatso? Halamang Gamot sa mga Sakit 

Ano ang Gamot sa Impatso?

Dahil sa mahilig tayong kumain, kadalasan sa mga Pinoy ay nakaranas na ng impatso: ang hindi pagkatunaw ng pagkain. Alam mong impatso ang iyong nararamdaman kung hindi gaanong komportable ang tiyan mo habang at pagkatapos kumain. Kumikirot din ang itaas na bahagi ng iyong tiyan. Ang impatso ay tinatawag din dyspepsia.

Ang pagkakaroon ng impatso, bagaman ito ay pangkaraniwan na sa mga Pinoy, ito ay malamang na palatandaan ng isang karamdaman tulad ng gastroesophageal reflux disease o GERD, ulcer, sakit sa pantog at iba pa. Ang gamot sa impatso na ibibigay saiyo ay dapat na depende sa sanhi nito. May mga paraan naman na maibsan ang mga sintomas ng impatso at kung paano makakaiwas na magkaroon nito.

Sintomas ng impatso

Ano baa ng pakiramdam ng may impatso? Malamang na may impatso ka kung nararamdaman mo ang mga sumusunod na sintomas ng impatso.

  • Kabag sa tiyan
  • Madalas na pag-utot
  • Pagsusuka
  • Acidic na lasa sa bibig
  • Mabilis na pagkabusog
  • Paghilab ng tiyan
  • Pananakit ng tiyan

Ang mga sintomas na ito ay maaaring lumala kung ikaw ay nakakaranas ng stress. Kung ikaw ay nakalulon ng maraming hangin kapag ikaw ay kumakain, ito ay maaaring makapagpalala ng iyong kabag.

Ang mga pasyente na may kabag ay kadalasan nang may hurtburn, o ang matinding hapdi na sa ilalim ng dibdib. Ang hurtburn ay nangyayari kapag ang mga acid sa tiyan ay umaakyat sa esophagus.

Sanhi ng impatso

Kapwa ang mga babae at lalaki, kahit anong edad ay maaaring magkaroon ng pagka impatso. Ito ay isang pangkaraniwang kundisyon. May mga kalagayang pwedeng magpataas ng posibilidad na ikaw ay magkaroon nito. Narito ang ilan sa mga kundisyon.

  • Pagkakaroon ng ulcer
  • Kanser sa tiyan, bagaman ito ay bibihira
  • Gastroparesis, isang sakit na kung saan ang tiyan ay hindi natutunawan. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga taong may diabetes
  • Impeksyon sa tiyan
  • Pancreatitis o pamamaga ng pancreas
  • Sakit sa thyroid

Gamot sa impatso

Tulad nang nabanggit na, ang impatso ay malamang na sanhi ng isang partikular na uri ng sakit. Kaya, ang gamot sa impatso ay depende sa kung ano talaga ang sanhi nito. Narito ang ilan sa mga ibinibigay na gamot sa impatso:

  • Kung ang impatso ay may dulot na pananakit, makakatulong ang aspirin o iba pang uri ng pain reliever
  • Estrogen at birth control pills
  • Steroid
  • Antibiotic
  • Gamot sa sakit sa thyroid

Gamot sa impatso: pagbabago ng mga kaugalian

Ang pagkain ng mabilis o marami at pagkakaroon ng stress ay mapagpapalala ng impatso. Ang pagkain ng mga matatabang pagkain ay nakadaragdag pa sa mga sintomas ng impatso. Ang paninigarilyo ay nakasasama at nagdudulot ng iba’t ibang sakit pwedeng maging sanhi ng impatso.

Kung minsan, may mga tao na nagkakaroon ng namamalaging impatso na hindi naman dahil sa mga nabanggit na kaugalian. Ang uri ng impatsong ito ay tinatawag na functional o non-ulcer dyspepsia.

Maraming mga babae ang naiimpatso sa huling mga buwan ng kanilang pagbubuntis. Ang problema ay malamang na dahil sa mga pagbabago sa hormones at sa pressure sa tiyan ng lumalaking sanggol sa sinapupunan.

Halamang gamot sa impatso

Ang luya ay isa sa pinakamabisang halamang gamot sa impatso. Ito ay nakatutulong na mastimulate ang mga enzyme na kailangan sa tamang panunaw. Ito ang dahilan kung bakit ang luya ay mainam na gamot sa impatso, lalo na kung ang sanhi ay ang sobrang pagkain.

Para makaiwas sa impatso, pwede kang kumain ng hilaw na luya pagkatapos mong kumain ng marami.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Gamot sa Impatso?
4 (80%) 3 votes