nandito ka
Gamot sa Hangover: Mga Dapat Gawin Bago at Pagkatapos Uminom Halamang Gamot sa mga Sakit 

Gamot sa Hangover: Mga Dapat Gawin Bago at Pagkatapos Uminom

Kung masakit ang iyong ulo, nasusuka at masakit ang tiyan, malamang na may hangover ka. Kakaunti ang alam ng mga eksperto kung ano ang eksaktong dahilan ng hangover. Ang ilan sa mga teoriya ay nagsasabi na ang alcohol na nasa alak ay nakakasira sa biyolohikal na mga proseso ng katawan, ang ilan naman ay nagsasabi na ang widrawal syndrome sa alcohol ay siyang dahilan ng hangover. Sinaabi ng mga pananaliksik na ang mga impurities na nasa alak ay siyang dahilan kung bakit ka nasusuka. Mas matamis ang inumin, mas maraming impurities ang makukuha mo. Ang beer at ang red wine ay numero uno dito.

Sintomas ng hangover

Ang sakit ng ulo ay siyang pinaka pangkaraniwang sintomas ng hangover. Ito ay dahil sa matinding dehydration na dala ng pag inom ng alak. Ang alak ay diuretic, ibig sabihin, malamang na maraming tubig ang nawala sa katawan mo dahil sa pagkalasing. Sanhi din ng sakit ng ulo ang pagbaba ng dami ng alcohol sa dugo mo at ang iyong katawan ay nag-aadjust sa prosesong ito, kaya masakit ang ulo mo.

Ang pananakit ng tiyan at pagsusuka ay dulot kapwa ng matinding acid na nabuo sa siknura dahil sobrang pag-inom at pulutan at ng matinding pagkahilo dahil sa sakit ng ulo.

Gamot sa hangover

Sa ngayon, ang pinaka epektibong gamot sa hangover ay ang hindi pag inom ng alak. Ang oras ay gamot din sa hangover, kailangan mong magpalipas ng walo hanggang 24 oras para lubusang mawala ang sintomas ng hangover.

May mga lunas din naman kapag ikaw ay may hangover. Narito ang ilan sa mga lunas na pwede mong gawin kung ikaw ay napasobra sa pag inom at kasalukuyang may hangover.

Uminom ng tubig. Mahalagang manatiling hydrated kung ikaw ay umiinom. Kailangan mong uminom ng maraming tubig kung ayaw mong panghinaan ng katawan pagkagising mo sa umaga. Hindi sapat ang pag inom ng tubig. Kailangan mong uminom ng mga inuming mayaman sa electrolyte tulad ng sports drink o sabaw ng niyog para maibalik ang mga asin at postassium na maaaring mawala.

Kumain ng mga mamantika bago uminom. Ito ay isa sa pinakamatagal nang ginagamit bilang gamot sa hangover, ang pag inom ng isang kutsarang mantika bago pumunta sa inuman. Ang pagkain ng mga mamantikang pagkain tulad ng karne ay may katulad ding epekto. Ang pag inom ng mantika o pagkain ng mga mamantikang pagkain ay siyang dahilan kung bakit mabagal na maabsorb ng tiyan ang alcohol na nasa alak.

Kumain ng asukal. Kumain ka nang asukal habang umiinom dahil ang fructose na nasa asukal ay nagpapabilis ng pagtunaw sa alcohol. Mahalagang kumain ng asukal habang umiinom hindi bago uminom sapagkat ang fructose ay madaling matunaw. Subukang uminom ng orange juice na matamis habang umiinom.

Kumain ng almusal kinabukasan. Ang electrolytes na makukuha mo sa pagkain ay makakatulong na mapalitan ang mga nawala sa katawan mo. Kumain ng malalambot na pagkain kinabukasan.

Kumain ng hilaw na luya. Ang pagkain ng luya ay isang subok na halamang gamot para sa pagkahilo at pagsusuka. Kumain ka ng luya pagkatapos uminom. Ang mga pananaliksik ay nagsasabi na ang pagkain ng luya ay nakakapabawas ng pagkahilo at pagsusuka na dala ng hangover.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Hangover: Mga Dapat Gawin Bago at Pagkatapos Uminom
3.8 (75%) 4 votes