nandito ka
Gamot sa Eczema: Itigil ang Pagkamot Gamit ang Sangkap na Ito! Halamang Gamot sa mga Sakit 

Gamot sa Eczema: Itigil ang Pagkamot Gamit ang Sangkap na Ito!

Ang gamot sa eczema ay maaaring kasing simple ng pagpapalit ng iyong sabon panglaba o kasing hirap ng paglipat ng bahay sa isang lugar na iba ang klima o pagpapalit ng trabaho. Ang pag-aalis ng mga bagay na maaaring siyang sanhi ng pagkakaroon ng allergy ay siyang pinamadali at epektibong gamot sa eczema.

Gamot sa eczema: Pagbabago sa mga kinaugalian

Umiwas sa pagkakaroon ng tuyong balat sa pamamagitan ng pagpaligo ng hindi masyadong mainit na tubig sa loob ng hindi lalampas sa 15 minuto. Gumamit ng hindi matapang na sabong pampaligo. Patuyuin ang katawan sa maingat na paraan. Maglagay ng moisturizer pagkatapos maligo. Magiwas sa paggamit ng mga lotion na nagtataglay ng nakasisirang mga sangkap.

Mag-iwas sa pagsusuot ng mga masisikip, magagaspang at makakating damit para hindi lumala ang eczema.

Iwasan din ang pagkamot ng mga bulotong ng eczema. Kung hindi mo kayang pigilan ang iyong sarili sa pagkamot, takpan ng tela ang eczema. Magsuot ng gloves sa gabi para mabawasan ang pinsala na dala ng pagkamot.

Gamot sa eczema: mga dapat ipahid at inumin

Ang ano mang bagay na maaaring maging dahilan ng pagpapawis ay maaaring magpalala ng eczema. Umiwas sa mga nakakapagod na ehersisyo sa mga panahong may eczema.

Kung hindi mo matukoy kung ano ang dahilan ng iyong allergy, o hindi mo ito maalis, ang sunod na hakbang ay ang pag bawas sa reaksyon ng katawan sa allergy.

Magpahid ng over the counter na ointment na may steroid, o kaya ay pampahid para sa pangangati. ANg mga cream na ito ay kailangan palagiang ipahid araw-araw hanggang sa mawala ang mga pantal o bulutong.

Kung gusto mo ng agarang gamot sa eczema, ang pag-inom ng Benadryl ay makatutulong para mawala ang pangangati. Tandaan lamang, huwag kang iinom nito kung ikaw magmamaneho dahil ito ay nakakaantok.

Linisin ang bahagi ng katawan na may eczema araw araw gamit ang sabong hypoallergenic.

Mag-iwas sa mental at pisikal na stress. Ang pagkain, pagkilos at pagtulog ng tama ay makatutulong saiyo na maging malusog.

Huwag kang umasa ng agarang gamot sa eczema. Ang sakit na ito ay madaling makontrol kaysa sa gamutin.

Halamang gamot sa eczema

May mga halamang gamot sa eczema na pwede mong gamitin para makontrol ang pangangati. Ang coconut oil o langis ng niyog ay mahusay manuot sa mga butas ng balat na nakabuka na siyang dahilan ng pagkawala ng moisture ng balat. Ang mga lipid, fats at oils na nasa niyog ay siyang kailangan para maiwasan ang pagkatuyo ng balat at maging lubhang iritado.

Hugasan ang mga kamay gamit ang tubig at patuyuin. Pahidan ng coconut oil ang apektadong balat at hayaan itong matuyo.

Pwede ka ring magbabad sa oatmeal bilang gamot sa eczema. Ang oatmeal ay napatunayang nakakapag-moisturize sa balat. Ang mga sangkap ng oatmeal ay may anti-inflamatory properties na nakakatulong sa mawala ang pananakit, pangangati at pamamaga na dulot ng eczema.

Ibuhos ang oatmeal sa isang piraso ng tela at itali ito bilang isang bundle. Punuin ang bath tub ng tubig. Ibabad ang oatmeal sa tubig. Magbabad sa tubig na may oatmeal bilang gamot sa eczema.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Eczema: Itigil ang Pagkamot Gamit ang Sangkap na Ito!
4.2 (84%) 5 votes