Buah Merah: Kahangahangang Natural na Sandata Laban sa Sakit!

.

Ang buah merah ay isang halaman mula sa pandan family. Ang prutas nito ay kinakain sa Papua, Indonesia. Kilala ito bilang kuansu sa mga taga-Papua habang buah merah (o “red fruit”) naman ang tawag ng mga Indones sa halamang ito. Lumalaki ito sa lahat ng mga rehiyon sa Papua, lalo na sa bulubundukin ng Jayawijaya.

Gayunpaman, pinaniniwalaan na ang mga bunga na lumaki sa kabundukan ng Baliem Valley at sa paligid nito ay pinakamahusay sa mga tuntunin ng nutrisyon dahil sa klima. Ang mga temperatura sa kabundukan ay 14 hanggang 28 ℃ sa pinakamababa at pinakamataas na katamtaman, at umuulan nang bahagya kumpara sa mababang lupa. Kinokolekta ng mga tao sa bundok ang mga bunga ng buah merah tuwing hinog na ang mga ito. Ang mga prutas ng buah merah ay inaani ng dalawang beses sa isang taon. Sapagkat magkakaiba ang pag-aani ng buah merah sa iba’t-ibang rehiyon ng Papua, samakatuwid, naaani nila ito halos buong taon.

Mayroong 30 klase ng buah merah, ngunit apat lamang ang pinaka-pinahahalagahan dahil sa kahangahangang katangian ng mga ito:

  • merah panjang (long red)
  • merah pandek (short red)
  • cokelot (brown)
  • kummiming (yellow).

Sa apat na ito, ang merah panjang ang ginagamit bilang mabisang gamot laban sa mga sakit. Ito ay may haba na 100 cm at lapad na 18 cm at tumitimbang ito ng 7.5 kilo. Mapurol ang gilid ng prutas nito at ito ay hugis silindro o tulad ng bumbong.

Tradisyonal na paraan ng paghahanda sa buah merah bilang pagkain at gamot

Ang prutas ay karaniwang inihahanda ng mga taga-Papua sa pamamagitan ng paghahati nito, ibinabalot nila ito sa mga dahon at niluluto sa pinainit na hukay sa lupa (earth oven). Ang nalutong laman ng buah merah ay kanilang hinahaloan ng tubig. Pagkatapos ay pinipiga nila ito upang makuha ang pulang katas na mayaman sa beta-carotene.

Sa katunayan, ginagawa nila itong pasta o sarsa sa inihaw na karne ng baboy , nilutong patatas at mga gulay, at inihahanda nila ito sa ilang espesyal na mga okasyon tulad ng kasal. Ang labis nito ay kanilang iniimbak sa isang sisidlan na kawayan upang magamit sa buong taon bilang sangkap pangluto.

Sa ngayon, ang pasta at oil extract na mula sa buah merah ay kanilang pinananatili sa boteng sisidlan na salamin, at sinasabing ang halaga nito noong una ay talaga namang napakamahal.

Ayon sa kaugalian ito ay pinaniniwalaan na isang mahusay na gamot sa mga sakit sa balat at mata, at bilang mahusay na gamot laban sa mga makapaminsalang parasito. Ang kahanga-hangang katangian ng halamang ito sa mahusay na pakikipaglaban sa maraming mga sakit ang nag-udyok sa maraming dalubhasa sa herbal na pag-aralan kung paano makakatulong ang halamang ito sa kalusugan ng tao.

Mga benepisyo ng buah merah sa kalusugan ng tao

Ang mga nakapagpapagaling na katangian ng buah merah ay natuklasan ni Dr. Made Budi, isang biologist mula sa University of Cendrawasih sa Jayapura, isang lalawigan sa Papua, Indonesia. Dahil napahanga siya sa naging epekto ng halamang ito sa kalusugan ng mga taga-Papua, ginawa niya ang isang malawak na pananaliksik sa nutrisyonal na halaga ng buah merah.

Noong 2002, inilathala ni Dr. I. Made Budi ang mga resulta ng kanyang pananaliksik upang itaguyod ang oil extract ng buah merah sa Indonesia bilang isang alternatibong gamot laban sa kanser, tumor at diabetes. Simula noon, ang mga produkto o suplemento na mula sa buah merah ay tumanggap ng napakaraming tugon mula sa kalakaran ng Indonesia, hanggang sa ito ay ipinakilala sa Pilipinas. Sa katunayan, ang mga produkto ng buah merah na ibinebenta sa Pilipinas ng iba’t ibang herbal supplement companies ay nakakuha ng labis na tugon mula sa mga Pilipino na nagnanais ng kalusugan.

Bago pa man ito, ang pambihirang buah merah mula sa Papua ay nakakuha ng atensiyon ni Dr. Toshiaki Nishigaki na mula sa School of Medicine, sa Shinshu University ng Japan. Sa pamamagitan ng kanyang masusing pananaliksik, siya ang unang nakadiskobre sa pagkakaroon ng beta-crytoxanthin sa oil extract ng buah merah.

Ang beta-cryptoxanthin ay pangunahing bahagi ng carotenoid na gumaganap ng mahalagang papel bilang mabisang chemopreventive agent laban sa mga kanser sa baga na nauugnay sa paninigarilyo. Ang mga carotenoid ay kilala ng mga mananaliksik sa buong mundo bilang mabisang antioxidants na tumutulong upang mapigilan ang malalang sakit na tulad ng sakit sa puso, kanser, diabetes atbp. Maraming mga pag-aaral sa pananaliksik ang nagpapakita na ang beta-cryptoxanthin ay nagpapatibay sa immune system ng tao, kaya’t napipigilan ang mga sakit.

Iba pang mga benepisyo ng buah merah sa kalusugan

Ang buah merah ay tumutulong labanan ang AIDS dahil may mataas itong nilalaman ng tocopherol, isang uri ng Bitamina E na nagpapalakas sa mga mekanismo ng pagtatanggol ng ating katawan.

Dahil nakakatulong ito sa pagkontrol ng daloy ng dugo, maaaring maiwasan ang high blood at stroke.

Naglilinis at nagpapagaling din ito sa atay at bato.

Pinahuhusay ng buah merah ang gawain ng pancreas, kaya pinipigilan ang diabetes.

Mayaman ito sa calcium kaya tumutulong upang maiwasan ang Osteoporosis.

Dahil mayaman sa Omega 3 at 6, ito ay tumutulong sa pagsulong ng mga function sa utak, kaya nagpapabuti ng katalinuhan.

Mayaman sa Bitamina E, pinapagaling nito ang reproductive health at pagkamayabong (o fertility).

Hinihikayat ang regrowth ng mga selula sa atay, kung kaya tumutulong sa paglaban sa Hepatitis.

Maaaring mabisa sa pagtugon sa gastric diseases, hemorrhoids, mga sakit sa baga at iba pa.

Dahil ang buah merah ay 100% na natural,kaya wala itong masamang side effects at labis na dosis sa katawan, ngunit maaring maranasan ang ilang palatandaan ng proseso ng paglilinis (cleansing process) tulad ng sakit sa ulo, pagkahilo, pamamanhid at kung minsan pa nga, pagtatae.

Maari lamang pong tandaan na kung tayo ay makakaranas nito: Kapag nililinis ng ating katawan ang mga mapanganib na toxins, ang ating katawan ay tumugon sa mga ito, kaya nagkakaroon ng detox symptoms, na mararamdaman nang pansamantala lamang.

Sa katunayan, pruweba ito na talagang epektibo ang produktong tinatangkilik mo mula sa buah merah. Sa kalaunan, mapapasayo ang ninanais mong kalusugan!

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Buah Merah: Kahangahangang Natural na Sandata Laban sa Sakit!
1 (20%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO